Thousand Tears: Big Revelation!

152 0 0
                                    


                   MAVE P.O.V

Siguro naman ngayon napatawad na nila ako. Matatanggap na nila ang sorry ko. Kung hindi ako umalis di sana mai-inlove si Brix kay Narnia.

May mga masasakit kasi na bagay na makakadulot din ng kabutihan.

Pagkatapos ng gabing yon kinalimutan ko na lahat. Hindi ko man nakalimutan ng emotionalan alam ko sa sarili kong limot ko na ng pisikalan.

Hihingi ako ng tawad sa kanila pero pag-hindi parin nila tatanggapin wala na akong magagawa.

Masaya na ako, masaya na ako para sa kanila.

"Magandang umaga po, nay." Bati ko sa costumer na kakapasok. Ang laging costumer namin dito.

"Nasasaktan ka di ba? Pinipilit mo lang takpan, pero hija nakikita ko parin yon.
Masakit yang dinadala mo, pero lahat may kataposan. Isang special lomi nga." Muntik na akong mapa-iyak sa sinabi nito. Naiilang kong sinulat ang order niya at ipinasa sa kitchen.

"Nakalimot na po ako, nay. Babalik narin ako sa dating ako." Saad ko.

"Sana nga, miss ko na kasi ang ngiti mo." Tuluyang sumilay ang ngiti ko na nagpangiti din sa kaniya.

Na miss ko tuloy si inay. Kung siguro nabubuhay pa sila ngayon, kasing edad na nila si nanay na costumer ngayon.

"Enjoy po sa pagkain, nay." Saad ko sabay bigay sa pina-take out niyang lomi na lagi niyang ino-order dito.

Ng tuluyan itong makalabas muling bumukas ang pinto na siyang kinalakas ng pintig ng puso ko ng makita si Brixa pero parang expected na niyang makikita niya ako dito base sa ekspresyon ng mukha niya habang prenteng lumalakad palapit sa akin.

Ang batang walang ibang ginawa sa akin noon kundi yakapin ako at naging mabuti sa akin. Sobrang miss ko na ang bawat lambing at halakhak niya.

"Cellphone mo, naiwan mo sa mansion 4 years ago." Nakatulala parin akong nakatingin sa inilahad niyang paper bag na naglalaman ng sinasabi niyong cellphone ko.

Ng muli akong nag-angat ng tingin ang siya ring pagtalikod niya para umalis.

"Brixa!." Tawag ko dito na nagpahinto sa kaniya pero hindi lumingon kaya nanginginig akong lumabas ng counter at lumapit sa kaniya.

"Brixa, teka lang." Alam kong narinig niya ako pero hindi siya lumilingon at nagtuloy sa paglabas kaya wala akong choice kundi hilahin siya.

"Makinig ka muna sa akin!." Hinihingal kong pakiusap.

Ilang ulit ko na bang sinabing hinding hindi na ako iiyak pero hindi ko magawa. Kasi napaka-traydor ng sarili kong mga mata.

"Para saan, ate?." Galit nitong tinabig ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Lalong nangilid ang luha ko sa tinawag nito sa aking 'ate'. Isa yon sa na miss ko.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon