Inilapag ko ang tray sa side table. Hindi ko sila nilingon dahil alam kong nakatingin sila sa akin."Ah, Brix kaya mo bang kumain?." Tanong ko dito.
"Susubuan na---------."
"Ako na." Putol ni Heiley sa sasabihin ko at nagtungo sa side table at kinuha ang pagkain.
"Kaya ko naman." Saad ni Brix.
"Brix, ako na." Saad uli ni Heiley.
Hindi ba nila nakikitang nandito pa ako? Hindi man lang ako nilabanan ni Brix. Eh,sa gusto pala niyang si Heiley ang mag-alaga sa kaniya edi, FINE! Bwesit!
Walang paalam akong lumabas ng kwarto nito. May taga-alaga naman pala siya eh! Nagsasalubong ang kilay kong tumabi kay Brent sa pagkakaupo habang nagme-meryenda ito.
"Si Brix?."
"Ayon! Inaalagaan ng yaya niya." Argh!
"Yaya?." Nalilitong tanong ni Brent.
"He-he-he! Joke lang, si Heiley sinusubuan si Brix. Sweet no?." Lalo akong nainis ng pagtawanan ako ni Brent.
Anong nakakatawa don? Nakakainis kaya!
Napalingon kami sa hagdan ng bumaba si Brix at Heiley. Wagas! Ganon? Kani-kanina lang masama ang pakiramdam niya tapos may bisita lang siya, nasubuan lang siya gumaling agad? Talo pa ata ni Heiley ang isang doktor ah!
Ang sarap lang sabunutang dalawa.
Nagtungo lang ako sa dinning para kumuha ng malamig na tubig. Umiinit ang ulo ko. Nabigla pa ako ng sumulpot si Heiley.
"Saan nakalagay ang coffee?." Malanding tanong nito. Argh! Ang landi landi talaga.
"Hanapin mo!.---- he-he-he. Nasa tabi niyan oh!." Turo ko. Pasalamat ka nakapagtimpi pa ako. Iniwan ko na siya don dahil feeling ko mapapa-gyera ako ng wala sa oras.
Naabotan ko si Brix na nakasandal sa couch habang abot hanggang langit ang ngiti. Siguro ini-imagine niya ngayon ang mukha ni Heiley.
"Mave, lakad tayo dito sa buong village?." Yaya ni Brent Sabay kindat sa akin. Mukang alam ko ang binabalak ng isang to. Kahit alam kong nakatingin sa amin si Brix pero ni isang tingin hindi ko siya binigyan. Lamonin mo ng buo ang Heiley mo. Che!
Agad namang inakbay ni Brent ang kamay niya sa braso ko at nakangiti naming inikot ang village na pag-aari nila. Akalain mong naikot namin ang buong village na puro pang-aasaran lang naman ang namagitan sa amin ni Brent. Kaasar to eh!
Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng mansion hindi parin tumitigil si Brent, nasapak ko tuloy. Pero mahina lang naman.
"I'm sorry kung hindi kita maiihahatid ngayon. Hope you'll understand." Saad ni Brix kay Heiley.
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...