MAVE P.O.VBusy ako ngayon dahil inaayos ko ang mga school papers ko para gagamitin sa enrollment. Gusto ni Brix na iisang school ang papasukan namin para daw lagi niya akong mabantayan pero humindi ako dahil alam ko namang sa private school talaga siya at ayoko ng magpa-sosyal baka mahirapan sina tita.
Alam kong afford nila pero ayokong abusuhin ang kabutihan nila para sa akin. Gusto ko sa paaralan lang na may kolehiyo at nandon ang course na gusto ko.
"Mave, I insist! Kung na saan ako dapat nandon ka." Matigas na saad ni Brix. Kanina pa namin to pinagtataluhan at walang gustong matalo sa aming dalawa.
Isa pa, ayokong maging usap-usapan si Brix na may kasama siya panget na babae at malaman nilang katulong. Paniguradong malaking issue ito para sa career niya.
"Brix, intindihin mo naman ako." Hindi sa ayaw ko. Kung pwede nga lang pasukan ko narin ang course na kukunin niya para magkasama kami lagi, pero.
May pero, eh! Umiiwas lang naman ako sa kapahamakan nilang magpamilya.
"Then let me understand, Mave. Wala akong nakikitang mali kung don ka rin mag-aaral." Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at nararamdaman ko na ubos na ang pasensya ni Brix sa akin.
Sabay kaming napatingin ng makarinig ng kaluskos at nakita namin si tita, Brent at Brixa na tahimik na nakikinig sa alitan namin ni Brix.
"What are you doing?!." Galit na tanong ni Brix sa mga ito dahilan para maglaho sila na parang bola.
"If you need me, nasa kwarto lang ako." Saad niya at galit na nagtungo sa kwarto niya.
Big deal ba talaga sa kaniya na sa ibang school ako mag-aaral?
BRIX P.O.V
Bakit hindi niya maintindihan na ayokong mawala lang siya sa paningin ko?
Gusto ko pareho lang kami ng papasukang school. Mali bang matakot ako na baka may ibang lalaki na magkagusto sa kaniya? Mali ba na matakot ako na baka magkagusto rin siya sa iba?
Oo! Natatakot ako and it feels like, shit!
Ayoko na uling maramdaman ang pakiramdam nong nag-aaral ako sa UK. Kung ganon lang din naman, ayoko ng mag-aral pa.
Gusto ko kung na saan ako, nandon din siya. Natatakot akong malayo sa kaniya, call me obsessed and I don't give a shit!
Paano kung may mambastos sa kaniya? May umaway sa kaniya at wala ako don para ipagtanggol man lang siya? Pano kung saktan siya don?
Hell! Iniisip ko pa lang na mangyayari yon para gusto ko na lang maging bodyguard niya. Kaya hangga't maari lagi lang kaming magkasama.
MAVE P.O.V
Mukang galit nga si Brix dahil hindi talaga siya bumaba para mag-lunch. Kanina pa nga ako dito pero hindi ko talaga siya nakita.
Haist. Birthday ko pa naman tapos galit siya sa akin. Kainis naman oh! Ni hindi pa nga niya ako nababati at mukang matatapos na lang ang araw na to wala talaga akong matatanggap na bati mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...