Thousand Tears: No, please

138 3 0
                                    


                    MAVE P.O.V

Nakatulala lang ako ngayon habang nakatitig sa mga isda sa aquarium. Mabuti pa sila walang problema, hindi umiiyak, hindi nasasaktan. Sana isda na lang din ako. Lumalangoy lang sila hanggang gusto nila.

Hindi sila napapagod pero ako pagod na pagod na. Nakakasawa rin pala.

"Mave, pwede mo ba akong samahan?." Tanong ni Brent na bigla na lang sumulpot. Nasasanay narin ako sa pasulpot sulpot nila.

"Saan naman?." Walang ediyang tanong ko.

"Basta, tara." Bigla nitong hinablot ang kamay ko at kinaladkad ako papasok sa Ferrari niya.

"Teka, Brent. Magpapalit lang ako------."

"Hindi na, okay na kaya yang suot mo." Wala akong nagawa ng paandarin na niya ang sasakyan.

Saan naman kaya ako dadalhin ng isang to? Nabigla na lang ako ng huminto kami sa tapat ng napakalaking kompanya. Isa sa pinaka-malaki dito sa pinas. Sabay  na kaming lumabas habang nakabuka parin ang bibig ko.

Papano kaya nagawa ang building na to?

"Let's go!." Saad ni Brent.

Papasok kami sa loob? Napatingin ako sa suot kong pambahay.

"Brent-------."

"Come on Mave!." Wala akong nagawa ng hilahin niya ang kamay ko at sabay sabay bumati ang mga gaurd at trabahanteng nadadaanan namin.

Hindi nila maiwasang mapatingin sa akin lalong lalo na sa kamay ko na hawak hawak ni Brent na wala lang pakialam habang pinagbubulungan na kami ng mga nadadaanan namin.

May binuksan itong pinto at pinauna akong pumasok. Anong meron dito bat ang ingay?

"Ah, Brent. Ano to----------." Naitikom ko bigla ang bibig ko ng makita si Heiley at Brix na inaayusan.

"May shoot sila dito." Saad ni Brent.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nag-uusap. Okay na okay si Brix, ang saya saya niya. Hindi ko alam kung bat ako dinala ni Brent dito.

"Okay, stand by camera!." Sigaw ng isang bakla.

Lumakad na sina Heiley at Brix sa gitna at di ko akalaing mapapatingin sila sa akin kaya napabaling na lang ako kay Brent. Wala na akong ibang makita kaya si Brent na lang. Bahala na.

Dinig na dinig ko ang pag flash ng camera at parang sabay na sabay na talaga sila habang ibang ibang pose ang ginagawa nila na parang bang hindi na nagkaka-ilangan sa isa't isa. Syempre, may relation sila eh.

May mga pose na nakayakap si Brix sa likod niya, nakapikit ang mga ilong nilang dalawa. Ha-ha-ha bagay na bagay silang dalawa.

"Mave!." Napalingon Ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Dona. Isa sa mga anak ng katulong sa mansion na naging matalik na kaibigan ko rin.

"Brent, don muna ako kay Dona." Paalam ko kay Brent na nasa tabi ko lang habang tahimik na nakatingin kina Brix.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon