MAVE P.O.V
Pagkatapos kong ayusin ang sarli ko bumaba na ako. Gusto kong makita si Brix. Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa tabing dagat pero wala talaga siya.
"Mave, did you see Brix?." Natatarantang tanong ni tita dahilan para kabahan din ako.
"B-bakit po?."
"Hindi kasi siya umuwi kagabi." Naiiyak na saad nito. Hindi siya umuwi? Wala din naman siya don sa tabing dagat?
"Mom!." Sabay kaming napabaling kay Brent na patakbong lumapit sa amin.
"Nasa hospital po si, Brix." Halata rin ang pagkataranta sa boses ni Bent habang agaw ang paghinga dahil siguro sa pagtakbo nito.
"What?." Hindi makapaniwalang tanong ni tita.
Para akong pinagbagsakan ng langit sa simpleng salitang binitawan ni Brent.
Lalakad na sana sila ni tita ng magsalita ako.
"Sasama po ako." At patakbo na kaming pumasok sa sasakyan ni Brent.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Please, hindi ko alam kung anong nangyari pero sana walang masamang nangyari kay Brix. Please! Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko kung sakali man.
Naabutan namin si tito at Brixa na nakaupo sa tapat ng operating room.
"Where is Brix?." Hindi na nagpapigil si tita tuluyan ng umagos ang mga luha nito.
"Hon, calm down. He will be fine." Pagpapakalma ni tito kay tita.
Napatingin ako kay Brent ng tapikin nito ang braso ko.
"Don't worry, magiging okay din." Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango kahit sobrang nahihirapan na akong huminga dahil sa lakas ng heartbeat ko.
Sabay kaming napatayo lahat ng lumabas ang doktor. Si tito at tita ang lumapit dito.
Nakita ko na lang ang pag-alis ng doktor. Ni hindi ko narinig ang pinag-usapan nila.
Saan ba kasi siya nagpunta kagabi? At ang masaklap, bat ko nagawang kalimutan ang usapan namin? Kung sana dumating ako sa tamang oras, sana hindi umabot sa ganito.
Nandito kami ngayon sa private room ni Brix. Nailipat na kasi siya. Kaming tatlo ang nagbabantay dito dahil may lakad ata si tita at tito.
"Aaaaaahhhh!." Napatayo ako ng makitang gumalaw si Brix habang umuungol.
"Brix, wag ka munang gumalaw, baka masaktan ang mga sugat mo." Saad ko ng makalapit dito.
"Bibili muna kami ni Brixa ng pagkain." Paalam ni Brent na agad namang lumabas kasama si Brixa.
Pero wala akong nagawa ng pinilit nitong umupo kahit nahihirapan.
"Bat di ka sumipot?." May galit sa boses nito kaya napayuko na lang ako. Dahan dahan kong kinuha ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...