Thousand Tears: Wedding! [Part 2]

262 2 2
                                    

 This chapter (part 2) is dedicated to @kiyannee. Thank you so much sa suporta kaibigan, God bless.

              MAVE P.O.V

Sakit. Yan ang salitang nararamdaman ko ngayon. Ang salitang lagi kong nararamdaman mula pa man noon. At kung nasamahan niyo ako sa simula ng kwento ko, alam kong alam niyo yon.

Hindi ko na mabilang ang mga luhang patak ng patak galing sa mga mata kong nagmamakaawang umiyak. Habang ni isang segundo hindi rin tumigil sa pagpatak ang ulan.

Nandito parin ako sa bridge na kinauupuan ko at ganon parin kalakas ang ulan at mga kulog at kidlat.


Hindi ko akalain na may mas ikakatakot pa pala ako maliban sa mga kulog na dumadamay ngayon sa akin. Ang di siputin ng groom ko.

Wala narin masyadong mga sasakyang dumadaan dahil siguro malapit ng magdis-oras ng gabi at mas palala pa ng palala ang sama ng panahon.


Kung dumating kaya siya, nasa reception na ba kami?


Galit kong pinunasan ang luha ko at ulan na umaagos din sa mukha ko. Aaminin ko, ramdam ko na ang paniniklop ng mata ko dahil sa pagod kakaiyak pero bakit di napapagod ang sakit magparamdam? Bat hindi niya ako magawang lubayan?

Pilit kong palakasin ang sestima ko. Bakit nga ba ako nagpapalakas eh, ni wala nga dito ang lakas ko? Tsk, nakakatawa lang.


Totoo talaga ang kasabihan na, kapag excited ka sa kung ano, asahan mong di yan matutupad o matutuloy.



Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko sa naisip ko. Ilang ulit ko na ring kinurot ang sariling braso ko para maramdaman ang sakit sa labas, hindi yong sa loob. Yong tipong hindi ko alam kong saan hahaplosin mabawasan lang ang sakit.


Alam kong ilang beses ko na tong naitanong, pero bakit ba ganito? Ano bang kasalanan ko? Masama ba akong tao? Naman oh! Nasasaktan na ako, sobra.



Isang sign. Bigyan niyo ako ng isang sign at susuko na ako.

Napatingin ako sa posting nagbibigay liwanag dito sa bridge pero nagpapatay sindi na ito na tila malapit na ring sumuko.



Napahawak ako sa noo ko at tumingin sa kawalan. Sign na ba tong poste? Hanggang dito na lang ba talaga?


Sigh.


Dahan dahan akong tumayo at kahit dalawang beses akong muling bumagsak paupo nagawa ko paring tumayo at nanghihinang dinungaw ang tubig sa ilalim ng bridge na kinatatayuan ko.


Siguro malas lang talaga ako. Siguro ganito talaga ang nakatakdang buhay ko, ang umiyak at masaktan.


Mula dito sa taas, nakikita ko kung papano isa isang nahuhulog ang mga luha ko pababa habang sinasalo ng tubig sa baba ng bridge.



B-brix, brix!

Bakit? Bat lagi na lang akong nauuwi sa katanungang puro 'bakit'?





Muli kong hinarap ang poste at tumatawa habang panay lang ang luha ko.


"Siguro ikaw na yong sign. Gaga ko no? Bat ka nagpapatay sindi jan, nasasaktan karin ba?." Natawa ako lalo sa tanong kong yon. Tsk, nagtanong talaga ako sa isang poste?



Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon