MAVE P.O.V
Napaka as in sobrang sakit ng ulo ko, napaka-bigat ng katawan ko na para bang dala dala ko ang buong mundo.
Mave, anong nangyari?
Hawak hawak ko ang ulo ko at dahan dahang tumayo. Ghadness! Bat ganito to kasakit? Ang naalala ko lang ay pumunta kami ni Brixa sa bar. Huwat? Sa bar? Anong ginawa namin sa bar?
Hindi ko ininda ang sakit at bumangon. Nag bar ba talaga kami? Pero impossible ata non. May nakita akong card na nakapikit sa frame ng litrato ni Brix.
Lasenggera! B.
Huh! Ipinikit ko ang mata ko at isa isang bumabalik ang ginawa ko kagabi. Paano ko nagawang uminom? Ako pa ba to?
Napairap ako ng maalala ang dahilan kung bat ako napadpad don at dinala ko pa talaga si Brixa. Argh!
"Lasenggera? Ang kapal! Hindi ba niya alam na kaya ko yon nagawa dahil sa kaniya?." Naiinis akong nagtungo sa banyo at naligo.
Ang baho baho ko at sobrang lagkit ng katawan ko. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na ako at uminom ng gamot. Nakita ko naman ang tatlong magkakapatid sa veranda.
"Ate, okay ka na?." Sabay namang napabaling si Brix at Brent sa gawi ko dahil sa pasigaw na tanong ni Brixa.
Nahihiya akong lumapit sa kanila para humingi ng pasensya kay Brixa dahil sa katangahan ko nadamay ko pa ang bata.
Wala akong paki kung nandon man si Brix. Wala na ako sa buhay niya kaya wala narin siya sa buhay ko. Tapos.
"Ahm, Brixa. Sorry kagabi pati ikaw naisama ko sa katangahan ko." Sabay kamot sa batok ko.
"Wala yon, ate. Okay na ba ang pakiramdam mo? Hindi ko akalaing walong bote ng beer ang mauubos mo." Muntik na akong masamid sa sarili kong laway.
Walong bote ng beer?
Nangunot ang noo kong binalingan si Brix at Brent ng sabay itong tumawa dahil sa naging reaksyon ko.
"Wala kang naalala?." Tanong ni Brent kaya umiling-iling ako. Oo uminom ako pero Ghadness naman. Impossible atang ganong karami. Maniniwala ako kung walong iced tea ang naubos ko pero beer? Walong bote? Ako? Naman!
Joke ba to?
"Pero wala naman akong pera ipambayad non." Mukang hindi naman sila nagbibiro.
"Si kuya Brix ang nagbayad." Napalunok ako sa sinabi ni Brixa. Anong ginagawa ni Brix sa bar?
Siguro nandon din sila ni Heiley at nakita nila kami at lasing na ako at ng magbayad na wala silang nakitang pera sa bulsa ko at naawa sila sa akin, pinagtawanan ako, kinaawaan kaya siguro binayaran na lang ni Brix.

BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...