Thousand Tears: Get out!

154 1 0
                                    


              MAVE P.O.V

Ng makaalis ang mga loka loka kong bestfriends agad akong nagpalit. Susunod kasi ako kay inay.

Halata bang excited akong makita siya?.

Pagdating ko. Humalik lang ako kay inay at diretso na sa first routine ko. Library talaga ang una kong nililinisan. Ang sarap kasi sa feeling na napapaligiran ka ng libro.

Pagpasok ko sa library na-agaw agad ng wattpad books ang paningin ko.

Mamaya na lang ako maglilinis. Babasahin ko na muna to.

Umupo ako sa sofa at ipinatong ang dalawang paa ko sa table.

    
             BRIX P.O.V

Nabo-bored ako sa kwarto kaya naisipan kong lumabas. Wala namang klase ngayon pero bat wala ang stupid na yon?

Napadaan ako sa library.

May tao ba sa loob ng library? Bat nakabukas ang pinto?

Kaya naisipan kong pumasok. Dito na lang ako tatambay. Nanlaki ang mata ko ng makita si Mave.

"Hay! Ang boring." Nag-inat ito ng katawan at itiniklop ang libro.

Stupid talaga kahit kailan.

"Hoy! Stupid."

"Letcheng kabayo!." Sabay hagis nito sa libro. Kung hindi lang ako naka-ilag talagang didikit yon sa mukha ko sa lakas ng pagkakahagis niya.

"Brix, naman. Kakasayaw lang natin kagabi tapos ngayon papatayin mo na ako sa gulat?." Hinimas pa nito ang dibdib niya.

Nakakabigla ba yon? Tanga tanga talaga ang babaeng to.

Nakangiti siyang tumayo at lumapit sa akin dahilan para bahagya akong mapa-atras.

"Kamusta? Nakatulog ka ba kagabi?." Masayang tanong nito. Parang batang binigyan ng lollipop.

"Walang dahilan para hindi ako makatulog, sira." Kung alam mo lang magdamag kitang inisip. Magdamag kong inalala ang nangyari kagabi. Pinipilit kong iniisip na sana hanggang ngayon kasayaw parin kita.

"Wala lang sayo ang nangyari  kagabi?." Para naman siyang inagawan ng lollipop.

"Hoy, STUPID! Wag kang kampante sa sinabi ko kagabi."

"Bakit naman? Sabi mo gusto mo ako di ba?." Parang wala sa oras maiiyak na talaga siya.

"Oo at hanggang don lang yon. So, wag kang umasa." Hindi pa ako sigurado Mave.

Ayokong makasakit ng damdamin.

"Bakit? Mali bang umasa?." Inosenteng tanong nito.

"Tanga!." Saka siya iniwang nakatulala.

    
                  MAVE P.O.V

Wag daw akong umasa? Bakit naman.

Dali dali ko siyang sinundan buti na lang hindi niya ni lock ang pinto ng kwarto niya.

"Get out!." Hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok.

"Brix, naman. Ganyan ba ang trato mo sa babaeng gusto mo?." Nakakainis naman siya oh.

"Lalabas ka o ako ang aalis?." Lakas makapanakot ang isang to.

"Ako na po ang aalis, Sir." Naiirata akong tumalikod sa kaniya. Wala man lang ka Gentleman ang isang yon.

Pero at least gusto niya ako. Napangiti na lang ako sa naisip ko.

Hindi na ako dito natutulog dahil dumating na sina tita. Hindi naman talaga kailangan na dapat may kasama sila. Bodyguard pa nga lang nila, aatras na ang mga magnanakaw sa dami. Baka siguro Pagmay-kailangan sila. Alangan namang gaurd ang tawagin nila.

Pero nakakainis parin ang isang yon. Lakas makasabi ng GET OUT!

************
Maiksi ang update. May tinatapos pa kasi ako. Sana nagustuhan niyo. Don't forget to vote and leave a comment if you want.💘💟💝💗💖💓💜💛💚💙❤. Shukran😇😇😇.

Always be,

Muslimqueen09👸

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon