Thousand Tears: Tears!

142 3 2
                                    

                  MAVE P.O V

Dalawang araw na ang lumipas simula ng dumating kami dito sa UK. Bukas narin magsisimula ang shoot ni Brix.

Kahapon sila nag-meeting at iniwan lang niya ako sa isang mall at don din binalikan. Para lang akong bata, pinilit naman niya akong sumama pero ayoko talaga. Hindi rin naman ako makaka-relate sa pag-uusapan nila at paniguradong tutunganga lang ako don.

May katawag si Brix sa cellphone, kanina pa nga yon kaya naisipan kong tumakas at nagpunta sa rooftop ng tinutuluyan naming hotel. Akalain mong sa kanila tong hotel at mamanahin ni Brixa oras na sa tamang edad na siya.


Ng makarating ako sa rooftop malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Ang ganda ng timing ko dahil ako lang mag-isa dito at dahil gabi na kayang sobrang gandang pagmasdan mula dito sa taas.


Isa to sa mga pinangarap naming mag-kaibigan puntahan. Okay rin naman kasi kasama ko ang mahal kong pumunta dito at dito ang mundo niya.


Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay Hindi ko akalaing nakaya ko yon lahat. Ang buhay talaga, mapag-laro.

Agad kong nakapa ang buksa ko ng biglang mag-ring ang phone ko.

Brix calling.....

Nakangiti kong sinagot ang tawag nito. Malamang nag-alala yon, tumakas ba naman kasi ako.

"Queen, where are you?." Sabi ko na nga ba, eh.

"Pabalik na jan, cge babye." Ng maibalik sa bulsa ang phone muli ko munang pinagmasdan ang kabuuan ng UK. Ang sarap lang pagmasdan.

Nagmamadali na akong nagtungo sa floor namin at pumasok sa suite ni Brix. Magpapaalam lang ako sa kaniya na pupunta na ako sa suite ko, magkatabi kasi kami ng suite. Kahit engaged na kami, mas pinili parin naming magkahiwalay dahil gusto ni Brix na dapat kasal na kami bago kami magtabi.

OA kasi non.

"Where have you been, nag-alala ako-----."

"Punta na ako sa suite ko." Putol ko sa sinabi niya at walang lingong likod nagtungo sa suite ko.

Pilit kong pinigilan ang luha ko pero ayaw, eh. Ayokong magselos, pero hindi ko maiwasan.

Mave, wag ka ngang tanga! Para kang bata!



********Flash back***********

Pababa na ako ng rooftop ng maibaba ko ang phone matapos tumawag si Brix.

Lunalakad na ako patungo sa hallway ng suite namin ng makarinig ako ng dalawang babaeng nagsasalita.

Halatang pilipino sila dahil tagalog ang language na ginagamit nilang dalawa.

Hindi ko naman intensyong makinig sa usupan nilang dalawa pero narinig ko kasi ang pangalan ni Brix kaya huminto ako. Kaya pasimple akong dumaan malapit sa kanila.

Ganon na lang ang pag-salubong ng kilay ko ng makita ang litrato na hawak ng isang babae.

"Ang sweet nila di ba?." Kilig na saad ng isa pang babae.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon