MAVE P.O.V
Walang kabuhay buhay ang mukha ko ng bumaba. Late na akong natulog pero ang aga ko paring nagising. Sa madaling salita hindi ako nakatulog.
Nabigla ako ng maabotan ko ang tatlo na nakaupo sa kani-kanilang upuan dito sa dining. Pero Wala pang breakfast na nakahanda.
"Pasensya na, madali lang to." Nagmamadali akong kumuha ng madaling lutuin katulad ng hotdogs, bacon, at egg. Nakalimutan ko, maaga pa lang magising ang tatlong to kahit walang klase. Halatang desiplinado.
Medyo naiilang ako dahil nakatitig lang sila sa akin. Walang nagsasalita. Nakakapanibago. Ni isang tingin hindi ko muna pinadapoan si Brix. Hindi naman ako galit pero medyo may sakit pa ng konti ang eksena kagabi.
"Ate, umiyak ka ba?." Natigilan ako sa tanong ni Brixa. Kaya ba sila tahimik?
"Hindi no. May ipis kasi at nag wewe sya sa mata ko kaya namumunto." Kahit ito lang. Sana effective sa kanila.
"Ipis? Ni minsan wala pa kong nakitang ipis dito sa mansion." Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Nagpalusot pa talaga ako eh mga matatalino tong kasama ko. Alangan namang sabihin ko. Ako na siguro ang pinakatangang tao sa mundo.
"Ate, nasusunog na ang bacon!." Bumalik ako sa ulirat sa sigaw ni Brixa.
"Sorry, sorry." Natataranta kong pinatay ang apoy. Nasunog talaga sya.
Gustong gusto kong batukan tong sarli ko. Aarrggh!! Nakakahiya. Mother earth kunin nyo na ako.
Naiiyak kung nilapag ang mga niluto ko. Saan ba kasing lupalop na punta tong utak ko?. Nakainis talaga.
"Join with us Mave." Yaya ni Brent.
"Mauna na kayo, hihintayin ko muna si nanay." Ang totoo gusto ko na lang maglaho na parang bula dahil sa kahihiyang inabot ko.
"Oo nga pala. Hindi daw makakapasok si nanay andeng dahil nagkasakit ang tatay mo. Katatawag nya lang kanina. Wala ka bang phone?." Tanong ni Brent.
Umiling lang ako at nagpaalam munang magpupunas. Okay narin na hindi muna makakapasok si nanay baka magtaka pa yon kung bakit namumunto tong mga mata ko. Pero sana gumaling na si tatay.
BRIX P.O.V
Ang sarapa magluto ng stupid kahit medyo sunog. Halata namang umiyak siya dahil sa eksena kagabi. Hindi ko naman yon intensyon. Sobrang nag-alala lang talaga ako.
Magso-sorry naman sana ako pero nanguna ang pride ko. Sobrang boring sa bahay pero tinatamad naman akong makitambay sa mga barkada.
Pumunta na lang ako sa pool. Hindi naman masyadong mainit dahil papalubog narin ang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/78647543-288-k268008.jpg)
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Storie d'amore"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...