Thousand Tears: Preparation!

125 1 0
                                    

                   MAVE P.O.V

Sobrang nakakalungkot, akala ko maghihiwalay lang kami ng mga school na aaralan ng mga kaibigan ko ganon din pala sa lugar. Sobrang layo na namin sa isa't isa. Napangiti ako sa sinabi ni Casha kahapon ng mag-celebrate kami ng ika 7 taon ng friendship namin.

Ang pangako ay pangako. Lumubog man ang mundo, walang magbabago.

Siguro sa ngayon kailangan mo na naming ituloy ang buhay na mag-isa na malayo layo muna sa isa't isa pero alam ko at naniniwala ako na balang araw muli rin naming makikita ang isa't isa.

Tiwala lang, Mave!

BTW,

Ilang araw na lang birthday na ni Brix kaya maraming tao dito sa mansion dahil dito e-he-held ang party para daw safe.

Matanda na si Brix!

Napabalikwas ako sa pagkakaupo ng biglang mag-ring ang phone ko at mukha ni kuya ang rumehestro sa screen.

Oo! Aaminin ko sobrang miss ko na siya. Kaya naiiyak kong sinagot ang tawag. Pero wala nagsalita sa aming dalawa na para bang pinapakiramdaman lang namin ang isa't isa.

Bakit kailangan umabot tayo sa ganito kuya? Tayo tayo na lang nga ang naiwan magiging ganito lang pala ang bagssk nating dalawa.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko. Miss na miss ko na ang dating kuya ko. Simula kasi nong hindi ko na sinagot ang tawag niya hindi na siya muling tumuwag.

"Mave?." Lalong lumakas ang pagbagsak ng luha ko ng marinig ko ang boses nito. Ang lungkot ng boses niya kaya nahihirapan akong mag-salita.

"K-kuya?." Mave, naman! Bakit ang drama mo?

"Galit ka parin ba?." Galit parin ba ako?

Hindi naman talaga ako galit eh! Sadyang nagtampo lang ako.

"Hindi ako galit kuya, kunting tampo lang yon. Sadyang pinatagal mo lang." Naiinis kong saad sabay punas sa luha ko ng nakangiti na.

"I'm sorry Mave, napaka-walang kwenta kong kuya--------."

"Kuya naman! Kalimotan na natin yon, Ayoko ng pag-usapan. Ang tagal na kaya non. Kumusta ka na jan?." Bumuntong hininga ako.

"Malungkot kasi miss na miss na kita. Pero konting tiis na lang Mave, malapit na akong ga-graduate." Halata nga sa boses nito ang sobrang lungkot.

"Naghihintay lang ako kuya. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita." Kasabay ng mga salitang yon ang muling pagpatak ng luha ko.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon