Thousand Tears: Brent!

134 0 0
                                    

                    MAVE P.O.V

Hindi  pa man lumalabas ang sunrise nasa labas na ako. Nag-jo-jogging. Daily routine ko nato tuwing umaga.

Marami naman akong mga kasamahan, hindi ko sila kilala pero nagngingitian kami sa isa't isa dahil sa lagi kaming nagkikita tuwing umaga.

Naging habit ko to ng------------. Wala. Wag ng ituloy, Basta gusto kong mag-jogging, yon na yon.

"Aaraay!." Daing ko.

"I'm sorry!." Pareho kaming napatigil sa lalaking nakabangga ko ng magsalubong ang paningin naming dalawa.

Si Brent.

Ang naging kuya ko sa mansion, ang lalaking sobrang bait sa akin. Ang minsang naging karamay ko at tinuring akong tunay na kapatid.

Hindi ko alam ang gagawin. Nakatingin lang siya sa akin na para bang walang balak na kumurap. Ang bastos ko naman kong magpapaalam akong tutuloy na sa pagtakbo.

Bat ngayon pa? Kung kelan pinipilit ko ng kalimutan lahat.

Humarap siya sa kawalan at bumuntong hininga.

Galit ba siya?

"Brent." Sobrang hirap bigkasin ng pangalan niya.

Sa apat na taong lumipas, walang nagbago sa kaniya. Sana, sana siya parin yong Brent na naging kuya ko.

"Kumusta ka na?." Muli kong nabalingan si Brent sa tanong niya.

Gusto kong maiyak sa saya kasi akala ko hindi niya ako kikilalanin. Akala ko galit siya, akala ko nagbago na siya.

"Mukang naka-move on ka na, ah?." Nawala ang ngiting namuo sa labi at kalooban ko sa dugtong niyang saad.

Hinarap niya ako. Ngayon, ibang Brent na ang kaharap ko.

"4 years ago." Saad niya na puno ng hinanakit. Nakikita ko yon, sa bawat bigkas niya ng salita at sa bawat kurap ng kaniyang mata. Nakikita ko ang sakit sa mata ni Brent.

"Naaalala mo pa yon, Mave?." Hindi ko nakayanan at iniyuko ko ang ulo ko. Hindi ko kayang harapin si Brent. Hindi ganito.

Kahit sa panaginip ko, kasama ko parin ang apat na taong yon.

Tumalikod siya pero hindi humahakbang palayo sa akin. Siguro, hindi niya kayang tingnan ako. Ang sama ko kasi. Sinaktan ko ang mga taong naging mabuti sa akin. Naging masama ako sa mga taong naging pamilya ko sa mga panahong walang wala ako.

"Papano mo yon nagawa, Mave?." Tanong niya habang nakatalikod parin sa akin.

Tuluyang sumabog ang sakit. Unti unting bumabalik ang sakit na naibuga ko na. Unti unti aking nilalamon ng sakit.

Ang sakit na lagi kong nararamdaman dati ay mas lalong sumakit pa ngayon. Sakit na sobrang ayokong maramdaman pero laging nagpaparamdam. Sakit na lagi kong iniiwasan pero lagi kong nakakasalamuha.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko. Pero, hindi manhid si Brent. Alam kong naririnig niya.

Galit siya at ramdam ko yon.

"Kalimutan mong nagkita tayo ngayon." At muli niyang itinuloy ang pagtakbo habang naiwan akong nakatingin sa kaniyang likurang papalayo sa akin.

Ibinaba ko ang kamay ko at hinayaang umagos ang luha ko. Dahan dahan akong naupo sa daan at sobrang pasasalamat ko dahil walang atong nagjo-jog ditong parte.

Hindi ko masisisi si Brent kung galit siya kasi pati rin naman ako. Galit na galit ako sa sarili ko.

Gustuhin ko mang-ibalik ang nakaraan pero malabo na.

Magsisi man ako pero tapos na.

Mainit na ang silak ng araw ng mapag-isipan kong umuwi na. Para akong tangang nakayukong naglalakbay. Wala akong paki kung may mababangga ako. Wala na akong paki.

Marami-rami na rin ang tao kaya napapansin kong pinagtitinginan nila ako. Siguro iniisip nilang baliw ako.

Nasa kanila nayon, yon naman sila eh. Ang dali nilang manghusga. Kahit katulong lang ako non tao parin naman ako, nagmahal. Nga lang sa tao pa talagang malabo kong maabot.

Alam ko namang darating sa puntong ganito. Pero kabaliktaran nga lang na naisip ko. Ako kasi ang nang-iwan sa aming dalawa. Ako ang tanga, ako ang duwag, ako ang katulong na asumerang magiging queen ni Brix.

Ayon. Naiyak na naman ako habang ramdam ko na ang bulong bulongan sa mga daang nadadaanan ko.

Sana sa bawat husga nila, maiibsan tong sakit. Sana sa bawat bulong nila tungkol sa akin, mawawala ang hapdi. Kung sana, bakit hindi? Kahit husgahan nila ako mula ulo hanggang paa, maibsan lang tong sakit. Kahit magbulungan sila buong magdamag, mawala lang tong hapdi.

Mas lalong lumakas ang paghikbi ko. Feel ko kasi mawawalan na ako ng hininga oras na pinigilan ko parin ang sakit.

Mas gugustuhin ko pang masaktan ng pisikalan, wag lang yong ganitong hindi ko malaman kong anong klaseng sakit, saang parte . Kasi kahit ipa-check mk pa to sa pinakamahusay na doktor hindi nila to mareresetahan ng gamot.

"Mave?." Dahan dahan kong iniangat ang paningin ko at nakita ko si Blue na nakasandal sa pinto ng apartment ko.

"B-blue." Lumapit ako sa kaniya at walang paalam na niyakap siya na agad naman niyang tinugon.

Lumakas ang pag-iyak ko. Diniinan ko ang pagkakakagat sa labi ko dahil sa ramdam ko kung papano pinipiga ang puso ko.

"Galit siya, Blue."

"GALIT SI BRENT SA AKIN!." Sigaw ko kasabay ng paghikbi.

Ano daw? Kakalimutan kong nagkita kami? Papano ko yon gagawin? Sa apat na taong lumipas muli kaming nagkita, pero iba sa inaasahan. Tapos kakalimutan ko?

Sana nga ganon kadali. Sana nga pag-sinabi kong kakalimotan ko na, matutupad agad. Pero hindi, eh!

Ganon kasimpleng sabihin, pero ang hirap gawin.

Ang sakit sakit na. Ang sakit na talaga.

************
Hope you enjoy! Shukran

Always be,

Muslimqueen09

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon