Thoudand Tears: Hardest Goodbye

147 2 0
                                    

             
                        MAVE P.O.V

Nasa bahay na ang mga bangkay nina nanay at tatay at hanggang ngayon sobrang hirap paring tanggapin.

Nandito ako ngayon sa harap nilang dalawa habang patuloy sa pag-iyak at yakap yakap ang sarili ko.

Sobrang hirap tanggapin. Ang hirap isipin. Sobrang sakit na tanging gusto ko na lang ay magwala. Hindi sapat ang pag-iyak para ibsan ang sakit ng nararamdaman ko.

Mabuti na lang nanjan sina tita at Tito. Sila ang nag-asikaso sa lahat at mga gastosin. Naramdaman ko ang paglapit ni tita at pag-akbay nito sa akin.

"Mave."

"Tita." Lalo lang ata akong naiyak. Lumakas pa ng yakapin niya ako.

"Sshhhhh. Tahan na." Pinunasan nito ang mga luha ko pero patuloy paring umaagos.

"Babalik agad ako, may meeting pa kasi kami ng tito mo."

"Thank you po sa lahat tita."

"Oh no, please. Stop crying darling." Muli niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Sa ginawa ni tita muli kong naalala si nanay.

Wala na ba talagang pag-asa? Talagang wala na ba?

Ang daming katanongan na sobrang sakit ang kasagotan.

"Bat niyo kami iniwan? Nay kailangan ko pa kayo eh." Habang buhay ko kayong kakailanganin. Sumasakit na ang labi ko dahil palagi ko itong nakakagat para pagilan ang pag-iyak ko. Pero lalo lang akong nahihirapan sa tuwing pinipigilan ko.

Naramdaman ko uling may yumakap sa akin.

"B-brixa."

"Ate, tama na yan. Simula pa nong nasa hospital tayo hanggang ngayon ganon parin ka lakas ang agos ng luha mo." Naiiyak narin nitong saad.

Hindi ko nagawang sumagot dahil sa lahat ng oras na malamang wala na sila pag-iyak na lang ang ginagawa ko.

"Ate, we're always here for you."

Nagpaalam si Brixa na uuwi muna para mag-palit at nangakong babalik agad.

Hindi ko magawang umupo. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng pagod. Ang tanging gusto ko at bantayan sila habang nakikita ka po ang kanilang mga katawan.

"Mave, tama na yang pag-iyak baka magka-sakit ka niyan. Alam mo namang ayaw na ayaw nilang nahihirapan ka di ba?." Alam kong ma's nahihirapan din si kuya. Dahil kong nasasaktan ako, nasasaktan din siya. Kung nahihirap ako, nahihirapan din siya. Kung nawalan ako, nawalan din siya.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon