MAVE P.O.V
Kakarating ko lang dito sa pilipinas. Dumiretso ako sa bahay dahil may susi naman ako. Hindi alam ni kuya o kahit si Blue at Sofia ang pag-uwi ko. Gusto ko kasi silang surpresahin.
Sa anim na buwan ko sa London halos masasayang alaala ang nabuo ko kasama si Zain at Honey at iba pang kasamahan ko sa Hospital.
Hindi ko pinagsisihan ang paglisan ko sa pilipinas kasi kahit papano nagawa kong limotin lahat.
Ngayon nasa harap ako ng coffee shop ni kuya. Nalaman ko lang na ito ang coffee shop niya dahil sa akin nakapangalan at sa tabi lang ng resto ni Blue.
Ilang minuto ko rin pinagmasdan mula dito ang Taffny Coffee shop ni kuya. Dati pangarap niya lang to ngayon natupad na. Isang civil engineer si kuya at nag take up ng business kaya masyadong napatagal siya sa US.
"Welcome to, Taffy coffee shop ma'am." Ani ng gaurd na nagbukas ng pinto sa akin.
Muntik na akong mapaiyak ng makita si kuya sa isang sofa habang may kausap sa phone at mukang importanteng importante.
Masaya ako para kay kuya, sa lahat ng hirap na dumaan sa aming dalawa nagagawa parin naming muling bumangon.
"Thank you very much, sir." Dinig long saad ni kuya at nakangiti nitong ibinaba ang phone saka napabaling sa gawi ko.
Hindi ko napigilan ang pagbuo ng ngiti sa labi ko at pagbuo ng luha sa mga mata ko.
"Mave?." Patanong niyang tawag sa akin na parang hindi makapaniwalang ako ang nasa harap niya ngayon.
"Kuya si Mave to." Hindi ko napigilang tumawa habang papalapit sa kaniya.
Nakangiti siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap dahilan para umagos ang luha ko.
Sobrang na miss ko ang kuya ko. Sobra. Pero dahil sa gusto kong makalimot sa sakit dati kaya umalis ako. Ngayon sobrang thankful ko kasi tinupad ko ang pangako ko sa kanila. Na oras na pag balik ko uli dito, nakangiti na ako.
"I miss you." Saad ni kuya at bumitaw na sa yakap.
Nagtungo kami sa office niya na sobrang daming papers dahil may mga project narin pala siyang hinahawakan.
"Sana man lang sinabi mo sa akin na darating ka." Sinamahan narin ako nitong kumain ng meryenda.
"Alam kong busy ka dito sa business mo." Natatawa kong saad.
Mga kumustahan lang din ang pag-uusap namin ni kuya at kwentohan sa naging buhay ko sa London.
"Maveeeeeeeee!!!." Agad akong natawa sa sigaw ni Sofia ng pagpasok ko sa resto. Mas natawa ako sa reaksyon ni Blue, nakanganga ito habang nakatingin sa akin.
Sinalubong ako ng yakap ni Sofia kaya napahalakhak ako. Hindi parin siya nagbabago, ang taas parin ng tili niya.
Ako na ang lumapit kay Blue at itinikom ang bibig niya kasi mapapasokan na talaga ng lamok.
Ako narin ang yumakap sa kaniya. Isa rin to, na miss ko silang dalawa.
"Blue, Sofia ready na ang venue para sa reception. Sabi ko sa inyo eh, basta ako. Teka nga------------." Napalingon ako sa nagsalita kasabay ng pagtagpi ng paningin namin ni Asher.

BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...