Thousand Tears: Birthday Party!

130 1 0
                                    

                     MAVE P.O.V

Ito na ang hinihintay ng lahat ang party ni Brix. Marami ng tao at halatang mga mayayaman. Naka-uniform ako na pang-waitress ngayon dahil nagse-serve ako ng mga drinks.

Ayaw ng pamilya Lancer ang idea kong tumulong pa pero wala silang nagawa ng makita na akong naka-uniform na pang-waitress.

Hindi ko pa nakikita si Brix. Si Brent sobrang gwapo sa black tuxedo nito at sobrang cute naman ni Brixa sa baby pink na dress nito. Maganda rin naman ako sa uniform ko ngayon.

Napatingin ako sa may stage ng makita si tito Luke don. Sobrang ganda ng theme ng party ni Brix halatang milyon ang naitapon para sa party nito.

"Good evening Ladies and Gentleman, may I welcome to all of you the birthday king with his beautiful queen. My son, Brix Lance Lancer and Heiley Lampers!." Kasunod non masigabong palakpakan ng mga bisita. At lumabas na nga si Brix habang ka holding hands si Heiley.

Ghadness!

Kailangan ba holding hands? Putcha!

Sunod sunod ang pag-flash ng bawat camera ng media. Kalahati ata sa mga bisita ay media at ka business partner ng mga Lancer ganon din ang mga ka co-model ni Brix at Heiley na talagang pumunta pa dito sa pinas para lang makadalo.

Oo na! Naiinggit ako.

Saglit akong pumasok sa loob para kumuha ng drinks habang nagbibigay message si tita at tito. Muli akong lumabas para mag-serve uli.

"Mave, ilagay mo na ang mga drinks Jan. Tara, batiin mo si Brix." Napatigil ako sa sinabi ni Brent na hinawakan pa ang kamay ko pero agad ko ring inalis.

"Hindi na Brent, mamaya ko na lang siguro siya babatiin. He-he-he, Sige serve muna ako." Magsasalita pa sana si Brent ng umalis na ako sa harap niya.

Nababaliw na ba si Brent? Ano na lang ang iisipin ng mga bisita oras na lumapit ako kay Brix? Haist. Minsan talaga hindi nila iniisip ang makakasira sa image ng pamilya nila.

Oo! Alam kung isa ako sa pwedeng sumira non.

Saglit akong tumigil sa may madilim na side at pinakinggan ang message ni Brixa para sa kuya Brix nito na talagang naiiyak pa siya.

"Sana kuya, kahit matanda ka na ako parin ang baby girl mo." Naiiyak na saad ni Brixa dahilan para magtawanan ang mga bisita sa sinabi nito. Imbes din maiyak si Brix natatawa itong umiling iling.

"Happy Birthday kuya, lahat ng wish ko para sayo ay nasabi ko na kanina. I love you at hindi mae-expird ang love ko para sayo." Muling tumawa ang bisita kasali na ako. Pumunta si Brixa sa kuya nito at humalik sa pisngi tsaka yumakap.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon