MAVE P.O.V
Busy ako ngayong araw dahil nag-aapply na ako ng trabaho. Ito lang kasi ang alam kong paraan para tuluyang makalimot. Kung mananatili ako lagi sa resto at tutunganga lang, mas lalala pa ata ako.
May mga Hospital na akong napuntahan pero wala ng bakante. Nakakawala narin ng gana pero kailangan kong magpatuloy.
Nandito nga ako sa pinakamalaking Hospital dito sa pinas. Nasa loob ako ng Head nurse office. Sana talaga matanggap na ako.
"Ano ulit pangalan mo, hija?." Tanong na may katandaan ng head nurse.
"Taffny Mavelyn Samonte, po." Hindi ko inaasahang ganon ang magiging reaksyon niya matapos kong banggitin ang buong pangalan ko.
"Hello, tita-------." Napalingon ako sa taong pumasok na agad napatigil sa pagbati ng magkasalubong ang paningin namin.
Brixa?
Kumurap ako at muli siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Tama. Siya nga si Brixa. Ang ganda niya pero iba ang klase ng pagkatitig niya sa akin. Kung ganon nakikilala niya ako at katulad kay Brent galit din siya.
"Tuloy ka, Brixa-------."
"Hindi na po, tita. Hihintayin ko na lang kayo sa labas, mukang may kausap ka." Saad nito at tuluyang lumabas.
Wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko. Nilalamon ako ng konsensya ko. Nakakatanga na talaga. Galit sila sa akin.
"I'm sorry, hija. Pero full list na ang hospital, you can go." Nag-iba din bigla ang pakikitungo ng head nurse sa akin.
Kakasabi nga lang niyang maraming bakante tapos ngayon full list na uli?
"Thank you po." Nanghihina akong tumayo at lumabas ng office nito. Natigilan ako ng masalubong si Brixa na nakaupo sa tapat.
Nagtitigan kami pero di lumaon ako rin ang sumuko. Na miss ko siya, ng sobra. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya at sa klase ng pagtitig niya.
Galit nga siya. Balang araw Brixa, maiintindihan niyo rin ako. Hindi pa ngayon kasi hindi pa ako handang magsalita.
Pero, balang araw. Darating tayo sa puntong yon at sana mapatawad niyo ako.
"Brixa!." Sabay kaming napalingon ni Brixa sa tumawag sa kaniya at di ko inaasahang si Asher yon.
"Bat ang tagal mo?." Nakangiting tanong ni Brixa. Ngiting matagal kong hindi nasilayan.
Sasagot na sana si Asher pero di niya nagawa ng makita ako.
"My friend?." Tawag nito.
Hindi na nakakabigla kung bakit magkakilala si Asher at Brixa. Remember, family friends sila. Ang di ko lang inaasahan ang pagkikita nila pero ni isang salita walang binanggit si Ash sa akin.
Nalilito ring nakatingin si Brixa sa amin ni Ash. Siguro nalilito siya kung bat kami magkakilala.
"Kilala mo siya, Ash?." Walang emosyong tanong ni Brixa. Bakit hindi ba niya ako nakikilala?
![](https://img.wattpad.com/cover/78647543-288-k268008.jpg)
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...