Thousand Tears: Pretending!

126 3 0
                                    


BRENT P.O.V

Nagbabasa ako ngayon ng article habang nakatambay lang sa mansion ng mga grand parents ko. May mansion naman kami dito sa UK pero dito kami tumuloy kina Lola.

Nakita kong pumasok si Brix at naupo sa harap ko. Halatang pagod ang isang to.

"Brix, tinawagan ko si Mave nong isang araw." Saad ko sa kaniya pero parang wala lang siyang narinig.

"Brix?." Wag niyong sabihing nakatulog siya?

"What?."

Problema nito?

"Ang sabi ko tinawagan ko si---------." Hindi ko nagawang banggitin ang pangalan ni Mave ng tumayo na ito at pumanhik sa taas.

Alam kong narinig niya ang sinabi ko pero bat ganon ang isang yon? Hindi ba niya na miss si Mave? Simula kasi ng dumating kami dito ni hindi niya nabanggit ang pangalan ni Mave. Nagtatawagan kaya sila?

Bat kasi ang hirap basahin ng isang yon?

Na mi-miss kaya niya si Mave? Kasi nong tinawagan ko si Mave alam kong gusto niyang kumustahin si Brix pero hindi niya mabanggit kaya ako na lang ang nag-sabi.

Psh! Ang gulo nila. Oo!

BRIXA P.O.V

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni kuya Brix ng malamang naka-uwi na ito pero nala-lock. Ilang ulit kong pinilit buksan pero hindi talaga.

Naka-lock nga di ba?

"Kuya Brix, open the door!." Agad kong tinapat ang tenga ko sa pinto ng kwarto nito. Malay ko bang niloloko lang pala ako ni kuya Brent.

"Brixa, I'm tired!." Balik na sigaw nito. Halata naman sa boses niya pero may itatanong lang kasi ako.

Alam kong hindi niya talaga ako pagbubuksan.

"Kuya Brix, masakit ang tiyan ko." Umarte akong umiiyak. Kahinaan ni kuya ang makita akong umiiyak kaya for sure bubuksan niya yong pinto.

"Brixa." Sabi ko sa inyo eh!

Agad akong pumasok sa kwarto nito at napahawak siya sa noo niya ng malamang acting lang yon.

"May mahirap bang intindihin sa sinabi ko, Brixa?." Halata ang inis sa mga mata nito.

"Nasabi na ba ni kuya na ikinamusta ka ni ate Mave?." Yon agad ang sinabi ko sa kaniya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya baka ma's lalong iinit ang ulo nitong kuya ko.

Pinaka-ayaw niya sa lahat yong uma-acting para lang mag-alala siya.

"Wala akong oras para alamin yon at wala akong paki!." Naiinis na talagang saad nito.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon