Thousand Tears: Walang Poreber!

140 0 0
                                    


                         MAVE P.O.V

Akala ko kung lalayo ako tuluyan na akong makakalimot. Anim na buwan na ang lumipas simula ng lisanin ko ang bansang kinagisnan.

Pero hanggang salita lang ako lagi. Masyadong mahirap lumimot pero yong sakit. Masasabi Kong kahit papano nawala narin.

Paglabas ko ng airport dito sa London malaking poster agad ni Brix ang nakita ko. Kahit saan na ko namasyal dito at walang lugar na hindi ko nakikita ang mukha niya. Mga magazine niya sa bawat mall.

Nagtatrabaho ako sa isang hospital at ilang araw na lang rin matatapos na ang 6 months contract ko.

Brake ko ngayon kaya nandito ako sa canteen kasama si Zain na isang nurse. Lalaki si Zain, pilipino kaya agad ko siyang nakaibigan.

"Hindi ka na ba talaga uli pipirma ng contract?." Halata ang lungkot sa tanong nito.

Umiling iling ako sabay ngiti. Ma mimiss ko ang lalaking to, kahit sa anim na buwan naming pagsasama bilang workmates, room mates, at kaibigan naging important na siya sa buhay ko.

Pati ba naman dito sa London may sasaktan din ako sa pag-alis ko.

"Ma mimiss kita." Hindi na siguro niya mapigilan. Alam ko namang nahihiya niyang sabihin yon pero sinabi niya parin.

"Ako rin naman, ah." Pinisil ko pa ang pisngi nito. Isa yon sa pinaka-ayaw niya na lagi kong ginagawa.

"Bumisita ka dito pag may oras ka, naiintindihan mo ako." Napahalakhak ako sa sinabi nito.

Alam kung sobrang labo non pero malay natin. Baka bumalik din ako dito sa London.

Sabay kaming napalingon ni Zain kay Honey ng bigla itong naupo. Pasulpot sulpot lang din ang isang to.

"Bat ang tagal mo?." May pagka-inis na tanong ni Zain Kay Honey na kapwa pilipino na ka workmate at room mate namin ni Zain. Matagal tagal na silang nagtatrabahong dalawa dito at katulad namin kapwa pilipino din si Honey.

"Ang gwapooooo niya talagash!." Nagkatimginan kami ni Zain ng bigla itong sumigaw.

"Hinaan mo boses mo, babae." Saway ni Zain. Kung alam ko lang na may pagtingin siya Kay Honey. Ayaw pang aminin.

"Hindi ko na kayash tosh, ang gwaposh talagash niyash!." Niyakap pa into ang phone niya. Napatawa na lang din ako habang umiiling iling si Zain.

"Now, your totally insane Honey." Saad ni Zain at uminom ng drinks. Malamang.

"Sino ba kasi yan, Honey?." Naririnig ko rin siyang nagsisisigaw sa dorm niya. Pati ba naman dito sa hospital. Hindi lang ata siya nakakasigaw pagnasa oras ng trabaho.

"Mabuti pa Honey, kumain ka na." Inalis ni Zain ang plastic ng sandwich. Torpe kasi ng lalaking to, ang mahid naman ng babaeng to.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon