Thousand Tears: Graduation Day!

138 2 0
                                    


                    MAVE P.O.V

Maaga pa nagising na ako, sadyang hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang excited.

Ako lang din ang nag-ayos sa sarili ko. Kunting make-up lang at lip gloss okay na. Napatingin ako sa toga na nakasabit sa kabinet. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Sana nay nandito kayo ni itay.

Agad ko yong inalis sa isipan ko dahil ayokong maging emotional sa mismong graduation day ko. Alam kong proud na proud sina inay sa akin hindi ko lang alam kung ganon din ba si kuya.

Bumaba na ako dala ang toga ko at nasalubong ko si Brent na sobrang gwapo sa simpleng suot niyang polo.

"Ang ganda mo." Nakangiting saad nito habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa at naiilang ako sa ginagawa niya. Naman oh!

"Wag mo akong bolahin." Natatawa kong saad at sabay na kaming lumabas. May meeting sina tita kaya mamayang dinner na lang kami magkikita at susunod na lang din daw si Brixa.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya na kinakabahan na naiihi na nasusuka na natatawa. Haist. Ang gulo!

Tumingin na lang ako sa daang dinadaanan namin ni Brent. Ferrari niya kasi ang ginamit namin kaya nakatutok lang siya sa daan.

"Bat ka malungkot?." Saglit lang itong bumaling sa akin.

"Parang may kulang kasi, pero okay naman. Thank you Brent ah? Sobrang laki ng utang na loob ko sa iyo at sa pamilya mo." Ghadness, Mave! Wag mong sabihing naiiyak ka na naman? Naalala mo pa ang sinabi ni Brix? Hindi ka actress kaya wag kang magdrama. Giit ng isip ko.

Speaking of Brix. Akala ko pa naman nandito siya sa mismong graduation ko.

"Mave, simula ng tumira ka sa mansion tinuring ka na naming pamilya." Yan ang palagi niyang linya sa tuwing nagpapa-salamat ako.

Nang mae-park ang Ferrari nito sa parking lot sabay kaming nagbukas ng pinto ng pigilan niya ako.

"Ako ng magbubukas para sa magandang babaeng kasama ko." Nakangiting saad nito.

Ang gentleman talaga ni Brent at swerte talaga ang babaeng mamahalin niya.

"Salamat." Nakangiti ko ring saad at sabay naming tinahak ang hall na pag-gaganapan ng event.

Agad ko rin namang nakita ang mga kaibigan ko kasama ang kani-kanilang pamilya.

Aminin ko man o hindi. Na-iinggit ako.

"Ah, Brent. Mga kaibigan ko, si Thalliah keith, Cashafia, at Lasha." Pagpapakilala ko sa kanila. Graduation gift ko na to sa kanilang tatlo.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon