Thousand Tears: Im Sorry, Queen!

158 1 0
                                    

                    MAVE P.O.V

Malapit ng lumubog ang araw kaya naisipan ko ng umuwi. Sobrang sakit ng tiyan ko, yong sa may puson na part pero nasa gilid. Para pinipiga sa sobrang sakit.

Matagal tagal ko naman tong nararamdaman, nong nasa London pa ako pero mas lalong sumasakit ngayon.

Siguro normal lang ang ganitong pananakit dahil malapit narin naman ang monthly period ko.

Sumaglit ako sa isang convenience store para bumili ng paborito kong ice cream at saktong paglabas ko ang paglabas din ni Brixa mula sa sasakyan niya.

Saglit lang kami nagtitigan dahil ako narin ang pumutol at naglakad palayo. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng harangan niya ang linalakaran kong daan.

"Ate."

"Ate, can we talk?." Dugtong nito.

"Sorry pero uuwi na ako." At muli ko siyang nilampasan pero muli niyang nahawakan ang kamay ko.

Ano na naman bang trip nila ngayon? Nakalimot na ako kasi nga pinilit ko, tapos ngayon muli na naman nilang uungkatin?

Nabigla pa ako sa biglaang pagyakap nito sa akin. Mas lalo akong nalito ng bigla itong umiyak.

"Ate, I'm sorry. Patawarin mo ako kung nagpadala man ako sa galit ko, ate I missed you so so much." Tuluyang pumatak ang luha ko sa mga sinabi nito.

"Ate, please forgive us." Namalayan ko na lang na gumaganti ako sa yakap nito.

Walang naging kasalanan si Brixa, naiintindigan ko ang galit niya sa akin. Alam ng diyos kung gaano ko ka miss ang batang kayakap ko ngayon.

"Ate, I'm sorry."

"Ssshhhhhhh, wala kang kasalanan Brixa." Inilayo ko siya sa akin at pinagmasdan a sa mata.

Wala namang mangyayari kung lagi ko na lang kikimkimin ang nakaraan na lagi na lang nagdudulot ng sakit sa aming lahat.

Lahat naman tayo nagkakamali di ba?

Nagprisinta si Brixa na ihatid ako sa bahay na agad ko namang sinang-ayonan. Akala ko hindi ko na uli masisilayan ang mga ngiti at maramdaman ang yakap niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng makitang nasa harap kami ng kanilang mansyon.

"Brixa?." Baling ko sa kaniya.

"Ate, Sige na please." Hinawakan pa nito ang kamay ko.

Hindi pa pwede. Kasi hindi pa ako handa.

"Ate, tatanongin kita. Mahal mo pa ba si kuya Brix?." Napalunok ako sa tanong nito.

Ilang taon, buwan at oras man  ang lumipas hindi nagbago ang nararamdaman ko para kay Brix. Ilang sakit man ang dumulot alam kong balang  araw ay makakalimot din.

"Just answer yes or no."

"Brixa." Naiiyak kong tawag sa pangalan nito.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon