Thousand Tears: With Them!

161 3 3
                                    

This chapter is dedicated to @SecretaryMoto, thank you so much for voting. Love ya!
               

               MAVE P.O.V

Leave ako sa hospital mula pa nong isang linggo dahil sa wedding shoot. Hanggang ngayon busy parin kahit tapos na yon. Mabuti na lang maraming taong nagmamahal sa amin ni Brix at tumutulong sila.

Ilang tulog na lang talaga. Ilang tulog na lang at gigising ako na katabi si Brix. Ilang tulog na lang hindi na ako Ms. Samonte.

Mrs. Lancer.

Di ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang apelyedong gagamitin ko.

Sa Kabila ng lahat lahat, nanaig parin ang pagmamahalan naming dalawa. Naalala ko tuloy si manong driver, sabi pa niya 'kung kayo, kayo talaga'.

Sa ilang ulit na paglisan at mga hindi pagkakaintindihan naging kami parin kasi kahit ilang ulit nawala ang pag-asa ko  nanatili yong kay Brix. Sobra sobra ko yong pinagpapasalamat.

"Maveeeee!!." Napabaling ako sa may pinto ng may tumawag sa pangalan ko.

Saka ko nakita si Zain at Honey. Naalala niyo sila? Yong mga katrabaho ko sa London at hanggang ngayon hindi parin makapaniwala si Honey na ang kinalulukuhan niyang lalaki ay ang mapapangasawa ko.

Nandito nga rin silang dalawa nong araw na mag-propose si Brix sa akin. Sobrang saya ko para sa dalawang to kasi ikakasal narin sila.

Sabi ko di ba? Sila rin naman sa bandang huli, ayaw lang talaga nilang aminin sa bandang unahan.

Tinawagan ko talaga sila at pinalipad papunta dito sa pinas kasi gusto kong saksi din sila sa kasiyahan ko. Kahit na kalahating taon lang ang pinagsama namin, sobrang napalapit sila sa puso ko.

"I miss you." Nakangiti ko silang dalawang niyakap.

"Kala ko, di mo kami iimbitahan sa kasal mo." Patampo pang saad ni Zain.

"Pwede ba yon? Hindi no. Papano ko naman makakalimutan ang dalawang taong naging kasama ko sa London, ang dalawang taong naging kapatid ko na."

Don muna sila tumuloy sa hotel ng mga Lancer hanggat nandito pa sila sa pinas. Kaya matapos ang mahabang chika naming tatlo ipinahatid ko na sila sa driver ni Brix patungo sa hotel na tutuluyan nila. Alam ko namang pagod pa sila sa byahe.


"Mave!." Muling bumalik ang ngiti sa labi ko ng nakita ang tatlong loka-loka. Sino pa ba?

"Tara, may pupuntahan tayo." Biglang hinila ni Thalliah ang kamay ko.

"Teka nga, saan tayo pupunta?." Wala akong nagawa ng pilit nila akong tatlo ipinasok sa sasakyan ni Casha.

"Kikidnapin ka namin, total wala naman dito si Brix eh." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Lasha.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon