Thousand Tears: Bipolar

129 2 0
                                    

           MAVE P.O.V

Ilang linggo makalipas ang masakit na pamama-alam ng mga magulang namin. Nandito kami ngayon sa airport kasama si Brix. Hinatid namin si kuya dahil sa labas na siya ng bansa magta-trabaho at ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Masakit man pero wala akong ibang nagawa kundi ang sumang-ayon sa desisyon niya. Kasama niya si ate Kiara na girlfriend niya.

Kaawaan sila ng may kapal at laging gagabayan.

Kumaway lang ako kay kuya ng tawagin na ang flight nila at agad na tumalikod. Ayokong umiyak. Mami-miss ko si kuya.

Ng makapasok sa kotse ni Brix agad akong nakaramdam ng gutom.

Pashnea! Patay gutom talaga tong tiyan ko.

"Brix, nagugutom ako." Naka-pout kong saad. Ghadness! Nahahawa na ata ako kay Thalliah.

"Edi, kumain ka mag-isa mo." Grabi siya oh.

Ma's lalong tumaas ang nguso ko. Bumalik na uli ang pagka-sungit niya. Kainis to.

Napalingon ako sa kanya ng e-park niya ang sasakyan sa harap ng isang restaurant.

"Bat tayo nan------------."

"Sabi mo nagugutom ka? Labas na! Wag mong hintayin na pagbubuksan kita dahil di yon mangyayari." Di daw mangyayari eh pinagbuksan nga niya ako kanina.

Sus! Pa as if pa siya. Halata namang mahal niya ako.

Umupo kami malapit sa pinto at siya na mismo ang pumili ng kakainin namin. Nagugutom din naman pala siya eh. Ayaw pang-aminin halata naman.

Lalo akong natakam ng dumating ang order namin. Wow! Ang sarap pero hindi ko pa natitikman. Alangan namang lalantakan ko na ni hindi pa nga nailalagay sa table namin. Papunta pa lang.

"Careful." Saad nito ng bigla kong lantakan ang isang dish. Oh my God! Ang sarap talaga.

"Brix, dapat may tawagan tayo." Tama naman di ba? Para sweet pakinggan.

"Tsk." Nag smirk lang ito sabay inom ng tubig.

"Anong gusto mong endearment?."

"Endearment your face." Muntik ko ng maihagis sa mukha niya ang tinidor ko. Panira talaga ng moment.

"Ah! Alam ko na. Tawag mo sa akin bear ta's tawag ko sayo dear. Ghadness! Perfect much----------------aray." Napahawak ako sa ilong ko ng tapikin niya ito.

"Don't talk if your mouth is full." Seryuso niyang saad.

"Oh! Hi." Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Si Sofia. Naalala niyo?

"Oh, Sofia. Join with us." Ang daling nakatayo ni Brix at pinaghila ito ng upuan.

Wow! Gentleman?

Magkaharap kami ni Brix habang magkatabi sila ni Sofia.

"I forgot, condolence." Malungkot na saad nito.

Ngumiti lang ako. Oo. Tanggap ko na.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila kahit wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Tiningnan ko si Brix at sobrang lawak ng ngiti nito Habang nakatingin kay Sofia.

Panira ng moment.

"Ah, excuse sa inyong dalawa. Brix, Una na ako sa kotse."

"Sure." What? Hindi niya ako pipigilan?

Aaarrghh! Akala ko pa naman pipigilan niya ako. Nakakahiya naman di ba kung uupo ako uli? Nasabi ko na eh.

Wag kasing asuming!

Naiinis akong pumasok sa kotse at wala pagg limang minuto nabigla na lang ako ng pumasok si Brix.

"Ano ba brix, nakakatakot ka naman." Akala ko snatcher. Muntik ko tuloy masapak.

"Mukha ba akong multo?." Galit na tanong nito.

Gwapong multo ba kamo.

Pero bat siya galit? Ang saya kaya nila ni Sofia. Bipolar talaga.

***********
Pasensya na talaga sa mga error, phone lang kasi ang gamit ko. Hope you enjoy. Don't forget to vote and leave a comment if you want💘💟💝💗💖💓💜💛💚💚. Shukran😇😇😇.

Always be,

Muslimqueen09👸

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon