Thousand Tears: Should I, Give Up?

158 3 0
                                    

  
                 MAVE P.O.V

Maaga pa akong pumasok sa Hospital at balak kong mag-over time ngayon. Gusto kong makalimot at yon lang ang tanging paraan.

Ng makarating sa hospital agad akong nagtungo sa locker room para nagpalit at para makuha narin ang list name ng e-che-check ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng maabotan si Brix na nakaupo sa tapat ng locker ko. Agad siyang tumayo ng mapansin ako, at halata ang pangingitim sa ilalim ng kaniyang mata.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at humigop ng hangin para pigilang umusbong ang galit ko.

"Queen-------."

"Stop calling me, queen!." Putol ko sa sasabihin niya.

Ngayon diring diri ako.

"Wait, I can't------."

"Pumunta ka ba dito para marinig ang sagot ko? Kung ano ang feeling ng iwan? Ha?." Dahan dahang nangilid ang luha sa mga mata ko.

Ni pagkurap hindi namin ginagawa, nakatitig lang kami sa bawat isa.

"Pwes, masakit Brix! Siguro, halos ikamatay mo na ang pagtawa dahil nanalo ka. Oo, talo ako! Masaya ka na? Nasaktan na ako." Sunod sunod ang pag-agos ng luha ko habang sinasabi yon.

Sobrang daling sabihin pero ang bigat bigat dalhin.

"Queen, I can't understand you." Lumakas lang lalo ang paghagulgol ko sa sinabi nito.

He can't understand me?

Gagohan ba to, Brix! Kasi gagong gago na ako! Tangahan ba to, kasi tangang tanga na ako!

"Bakit Brix? Bakit kailangan mong maghigante? Sobra na bang malaking kasalanan ang ginawa ko dati?." Hindi ko akalaing may mamumuong luha sa mga mata nito habang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Mave-----." Umuling iling ako ng sinubukan niyang lumapit.

"Umalis ka na."

"Hindi ako aalis-------."

"UMALIS KA NA!!!----- aahhh." Naputol ang sigaw ko ng maramdaman uli ang pananakit ng puson ko.

"Queen." Pero hindi niya nagawang lumapit ng itinaas ko ang kamay mo. Muli ko siyang tiningnan habang nakahawak parin sa sumasakit na puson ko.

"Please, Brix. Umalis ka na." Mahinang saad ko at wala siyang ibang nagawa kundi ang lumabas ng locker room.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon