MAVE P.O.V
Nagpasama ako kay Brixa at nagpahatid kami sa isang bar. First time ko to pero bahala na. Bahala na! Ayoko na talaga! Umorde ako ng dalawang beer at iced tea lang kay Brixa. Salamat naman dahil hindi ito nagtatanong.
Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko, habang tuloy lang din ang pag-inom ko. Sobrang sakit sa lalamunan pero wala ng mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon.
Nakapasok lang naman kami ni Brixa dahil saktong walang guard na nagbabantay. Nagsisimula ng umikot ang paningin ko pero hindi parin naglalaho ang sakit. Nandito parin siya habang pinupunit ang pagkatao ko.
"Ate, tama na yan." Awat ni Brixa pero mas lumakas lang ang pag-iyak ko.
Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Hindi ko akaling dito ako dadalhin ng pag-ibig.
Muli akong umorder ng dalawang beer kahit nahihirapan ako sa sunod sunod na pag-inom hindi ko parin titigilan hanggat hindi rin ako tinatan-tanan ng sakit.
Bakit ganito? Nag-mahal lang naman ako ah! Bakit ganito?
Wala na akong paki-alam kung ito man ang magiging dahilan ng pagtapos sa buhay ko. Yon nga ang mas maganda di ba? Siguro naman tatantanan narin ako ng sakit.
Nang muli kong tinungga ang alak napapikit pa ako kaya sunod sunod ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Ate, tama na oh." Pumupungay ang mata ko ng balingan ko si Brixa. Sorry, Brixa kung kailangan pa kitang idamay.
"Ate, mag-aanim na bote na ang naubos mo. Alam mong bawal yan sa atin na menorde edad pa lamang." Mabuti ka pa Brixa alam mo yan. Alam ko naman yan eh pero ang tanging hiling ko lang naman ang makawala sa sakit nato.
"Napaka-tanga ko Brixa! Umasa ako kay Brix! Umasa ako!." Wala akong paki-alam kung pinagtitinginan na kami ni Brixa. Kung sana kaya nilang ibsan ang sakit kahit buong mundo ang tumingin sa amin okay lang basta mawala lang to.
Ayoko sa ganitong pakiramdam. Ayoko! Pero bakit parang ako lang ang nakikita nito?
BRIXA P.O V
Naiiyak ako habang pinagmamasdan si ate Mave. Nagagalit ako kay kuya Brix. Kahit anong pigil ko kay ate hindi parin siya nagpapa-awat kahit nahihirapan na siya sa ginagawa niyang pag-inom.
Nag-aalala narin ako dahil masyado ng gabi. Hindi ko alam kong anong gagawin ko, kung sana lang kaya kong ibsan ang nararamdaman niya ngayon.
Pero God! Anim na bote na ang naubos niya, kanina pa naubos ang iced tea ko at kanina parin ako hindi mapakali.
Isa pa napakabata pa namin para mapunta sa ganitong lugar.
Mapapatay ko talaga si kuya oras na may mangyaring masama kay ate.
Hindi ko man alam kung gaano kasakit pero nararamdaman ko kung gaano kahirap.
Hindi ko alam kung anong nangyari basta nagpasama lang siya sa akin at hindi ko alam na sa isang bar pala kami pupunta.

BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Storie d'amore"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...