Thousand Tears: Greatest Pain

167 1 0
                                    


               MAVE P.O.V

Nasa cafeteria kaming apat dahil lunch time na. Natatawa ako habang pinagmamasdan si Lasha na sobrang pula ng mukha. Nasa tabi niya kasi ang crush niya na classmate niya dahil partner niya ata sa Research subject nila. Ni hindi niya pinatatapuan ng tingin si Aaron kahit tinatanong siya nito.

Nasa kabilang mesa sila at sa kabilang mesa naman si Casha kasama si Allen na boyfriend nya at dahil single kami ni Thalliah kaya kami ang magkasama ngayon sa isang table.

Pero ako malapit na. Malapit na malapit na. Ewan ko lang tong kay Thalliah.

"Bat ngayon mo lang sinabi? Magkakilala na pala kayo ni Brix ha! Maganda ba ang bahay nila? Ha Mave! Sagutin mo nga ako!---------araay!." Napatigil ito ng sapakin ko. Makasigaw akala mo siya lang ang ang tao dito. Nakatingin tuloy ang mga estudyanteng katulad naming nag la-lunch.

"Sige, sumigaw ka pa!." Napa-pout pa ito sa sinabi ko. Ang sarap talagang putulin ang nguso niya.

Sinabi ko na kasi sa kanya ang pagtutulong ko kay nanay sa trabaho sa mansion ng mga Lancer at ang pag-aalitan namin ni Brix araw-araw.

"May bakante pa ba? Gusto kong mag-trabaho don! Oh my God!." Kinikilig na sambit nito.

"Wala ng bakante." Hindi siya pwedeng mag-trabaho don. Baka magustuhan din siya ni Brix. Mahirap na maging karibal ang kaibigan.

"Balita ko, may kuya si Brix?." Seryosong tanong nito.

Ngayon kuya naman ni Brix ang target niya? Pambihira.

"Oo. Si Brent Lence. Gwapo, mabait, at gentleman." Pagpapa-inggit ko sa kaniya.

Mamatay ka sa inggit Thalliah Keith.

***kriiiiiiingg*** ***kriiiiiiingg***

Agad kaming nagsitayuan lahat ng marinig ang bell. Haist. Klase na naman.

"Una na ko." Paalam ko sa kanila. First floor kasi ang class room namin. Second floor kay Lasha at third floor kay Thalliah at Casha.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may magbukas nito mula sa loob. Si Brix na may--------. Ghadness! Kasama ang muse namin. At ang masaklap ang lagpasan lang ako.

Holy cow!

Sinundan ko sila ng tingin at naiinis na pumasok sa room. Muntik ko ng masapak ang ulo ko dahil nakalimutan ko na namang sagutan ang assignment ko.

STUPID! Ayan tuloy nahahawa na ako sa isang yon.

Napalingon ako sa pinto ng pumasok ang muse namin pero wala si Brix. Di ba mag-kasama sila?

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon