MAVE P.O.VDumiretso agad kami sa mansyon ng mga Lancer pagkababa namin sa private plane nila na muling naghatid sa amin dito sa pinas.
Sinalubong naman kami ng mga katulong para sa mga bagahe. Medyo sumasakit ang ulo ko at yong kaka-opera lang sa ovary ko.
"Are you okay, queen?." Tanong ni Brix ng humigpit ang hawak ko sa braso niya.
"Medyo sumakit yong kaka-opera lang na parte, pero slight lang naman." Agad kong bawi dahil baka ipa-ospital na naman ako nito. No, ayoko na.
"Teka, mene-maintain mo ba ang gamot na bigay ni dok?." Tanong nito na talagang hinarap pa ako.
Umiling iling lang ako sabay pout. Oo na nga, hawang hawa na ako kay Thalliah.
"Nakalimutan ko dito kaya habang nasa UK tayo, wala akong naiinom." Sumbong ko sa kaniya. Inilihin ko talaga yon sa kaniya habang nasa UK pa kami.
Agad naman siyang napabuntong hininga at tinignan ako ng seryuso.
"God, queen. Bat di mo sinabi?." Parang naiiyak na tanong nito na parang batang galit dahil hindi sinabi sa kaniya na aalis ang nanay niya.
"Sorry."
"Masakit pa ba?." Muling tanong nito.
Tumango tango lang ako, pero hindi naman siya masakit masyado. Kaya ngayon todo alalay na naman siya. Kaya ayaw kung sabihin, eh.
"Bat di niyo sinabi na darating kayo, sana napasundo man lang kayo kay Brent." Nakangiting salubong ni Tita sa amin na hinalikan pa kami ni Brix sa pisngi.
"Mom, can you call doctor Velez, ipapa-check ko lang si Mave."
"Bakit? May masakit ba sayo hija?." Nag-aalalang tanong ni Tita.
"Medyo kumirot yong kaka-opera niyang ovary kasi hindi na me-maintain ng gamot."
"Okay, copy anak."
"Thanks mom, I love you."
Tahimik lang akong nagpapa-alalay kay Brix habang pumapanhik kami papuntang kwarto nito.
"Brix, hindi na kailangan si dok Velez. Gamot lang okay na----------."
![](https://img.wattpad.com/cover/78647543-288-k268008.jpg)
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Roman d'amour"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...