MAVE P.O.V
Nasa Tagaytay kami ni Brix, nag leave kasi siya sa office niya at pinag-leave din ako kahit ayoko pero wala din akong nagawa ng sabihin yon ng head nurse. Sus, halata namang pinilit niya.
"Huling punta natin dito, 17 years old pa lang tayo." Mahinang saad ni Brix habang nakatingin sa kabuoan ng Tagaytay.
Nasa rooftop kasi kami ng isang restaurant, dito niya piniling magdinner.
"Oo nga eh, ilang taon din ang lumipas." Dito mga mismo sa lugar nato na amin ni Brix ang totoo niyang nararamdaman para sa akin dahil narin sa plano ni Sofia.
Hindi narin nagtagal nagtungo na kami sa sari-sariling suite namin. Maaga pa kasi bukas ang magiging adventure namin. Gusto kasi niyang gumala bukas kaya dapat maaga kaming matutulog ngayon.
"Night queen, love you." Saad nito at hinalikan ako sa noo.
"Love you too." Nakangiti akong pumasok sa suite ko bago siya pumasok sa suite niya.
Kung dati hinihiling ko na sana malagutan na ako ng hininga, ngayon binabawi ko na. Sana, dugtungan pa ang buhay ko.
........
........
.......
Maaga pa bihis na bihis na kami ni Brix at saktong paglabas ko, nasa labas na siya ng suite niya at hinihintay ako.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ang ayos nito. Simpleng v-neck shirt at puting short na tinernohan ng all star shoes. Poging pogi. Habang ako ay naka puting blouse at black ripped jeans, okay na okay.
Iniwan lang ni Brix ang kotse niya dahil masaya daw pagmag-commute na lang daw kami. Mas adventure kasi yon.
Nakalinya si Brix dahil bibili ng ticket para makasakay sa MRT. Masyadong maraming taong nakalinya. Kung ang iba naiinip, si Brix prenti lang nakalinya habang hawak ang kamay ko.
Ng may humintong MRT agad nagsiksikan ang mga tao para makapasok. Kung hindi pa nahawakan ng mahigpit ni Brix ang kamay ko malamang nagkahiwalay na kami.
Ng magkatinginan kami ni Brix sabay kaming napahagikhik dahil kahit gaano kasikip todo siksik parin kami.
Ng makapasok sa loob agad akong isinandal ni Brix sa nakasirang pinto dahil wala ng bakanteng upuan. Kinulong niya ako sa mga kamay niya dahil sa sobrang sikip.
"Are you okay?." Tanong nito.
"Adventure nga to, Brix." Sabay kaming napahalakhak sa sinabi ko.
Alam kong sa buong buhay niya di pa niya to nararanasan. Nakakatawa lang talaga dahil sinubukan niya.
Ng huminto ang MRT para namang mga bubuyog nagsilabasan lahat.
"Hold on, Queen." Dinig kong saad nito kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
Halos sabay kaming napabuntong hininga ng sabay makalabas at makalanghap ng preskong hangin.
Hindi narin kami nagpaligoy ligoy pa, tuloy na sgad sa lakad naming maglakwatsa.
Ilang mall narin ang naikot namin, ilang mga pagkain narin ang natikman namin. Habang papalabas sa ice cream shop na kinainan namin, naalala ko ang zipline.
![](https://img.wattpad.com/cover/78647543-288-k268008.jpg)
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...