Thousand Tears: The Most Painful Ending! [Part 2]

144 2 0
                                    

                   MAVE P.O.V

Aaminin ko, manghang mangha ako sa yaman ng Lancer pero ni minsan hindi ko hinangad ang pera nila.

Minahal ko si Brix hindi dahil mayaman siya, sikat siya, o gwapo man siya. Minahal ko siya kasi mahal ko siya.  Iyak kong saad sa kalooban ko.

Bakit kailangan mangyari to? Alam kong darating ang oras na to pero hindi pa ngayon? Hindi pa ako handa!

Hindi kaya natatakot si Brix na mabunyag yon kaya iniiwasan na niya ako ngayon? Masisira ang career niya at walang ibang sisisihin kundi ako.

Marahan kong ipinikit ang mata ko kaya mas lalong lumakas ang loob ng luha kung kumawala ng sunod sunod.

Hindi pwedeng masira ang career ni Brix. Hindi pwedeng masira ang pinaghirapan niya, mahal na mahal ni Brix ang career niya at mahalaga ito sa buhay niya.

Pero bakit?

Bakit kailangan nila akong iwasan?

Bakit kailangan nilang ilihim?

Bakit kailangan nilang halos hindi magpakita sa akin araw araw?

Dahil isa kang katulong, Mave! Isang KATULONG! Naiintindihan mo ba ako? Isang hamak na katulong at kilala mo naman siguro kong sino ang boyfriend mo!

Hollywood Star may nobyang katulong? Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ng lahat? Matutuwa? Magsaya? Pwes, Mave sa mga oras nato pinangdidirihan na nila si Brix, ikinakahiya at tinatawanan ngayon ng lahat! Sa tingin mo gugustuhin yon ng mga tagahanga niya? Tanga ka ba?!

Halos madurog ang puso ko sa sigaw ng sariling isip ko.

Ano bang Mali sa isang katulongIyak na pagtatanggol ng puso ko. Nasisiraan na ata ako ng bait ngayon. Gulong gulo ako sa pagtatalo ng mga fans sa loob at labas ng bansa, mga reporter, dumagdag pa tong isip at puso ko.

Ilang ulit kitang pinagsabihan, Mave. Simula pa lang!

Baliw mang sabihin pero sumisigaw ang isip ko at ramdam kong nasasaktan din siya ngayon habang sinisigawan ako.

Mahal ko siya! Hindi ko kayo maintindihan, ano bang mali sa katulong? Hindi naman panglabas na buhay ang ginagamit kundi ako! AKO!

Iyak na sigaw ng puso ko at kahit durog na durog na siya nakakaya parin niyang makipagtalo sa isip ko.

At gusto mo ikaw na lang ang sinusunod? Bakit ba kailangan bigyan ng puso ang mga tao? Sana hindi na lang, para walang taong nasasaktan. At dahil ikaw na pesting puso ang laging sinusunod nila, hindi na nila magawang gamitin ang isip nila at kami yon!

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon