MAVE P.O.VAng dali talaga ng oras. Nandito kami sa bahay nina Casha dahil mommy niya ang mag-me-make up sa aming apat.
"Mave, ang swerte mo talaga. Hinala ko si Blue talaga yan eh." Daldal ni Lasha kahit siya na ang inaayusan. Kahit kailan talaga ang babaeng to sobrang daldal. Naayusan na sina Casha at Thalliah, ako na lang ang hindi pa. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam kung bakit. Minsan ko naman naranasan ang mag-prom.
"Impossible naman ata non, lasha." Sagot ko na lang kahit may ganon din akong hinala.
"Walang impossible sa pag-ibig hija. Hindi natin alam lihim ka lang pala niyang iniibig." Saad ng mommy ni Casha.
"Baka naman si Brix." Napapitlag ako sa sinabi ni Casha. Agad naman napangiti ang hinayupak na puso ko pero agad ding naglaho. Kung impossible man na si blue mas impossible na si Brix. Nagtawanan naman sila. Umiling iling lang ako para hindi nila mahalata na apektado ako. Hindi nila alam na palagi ako sa mansion ni na Brix. Wala kasi akong sinasabi.
"Ma's lalong impossible." Natatawang saad ni Thalliah. Nakakasakit na sila ng damdamin ah.
"Malay natin." Mabuti pa tong si Casha.
"Wag niyo na ngang pangarapin si Brix. Pangarapin niyo na lahat wag lang yon dahil malabo talaga." Natatawang saad ni Lasha. Napatigil naman ako sa sinabi nito. Tama siya. Sobrang labo kaya non. Pero umaasa ako.
Hindi namin namalayan na 6pm na pala kaya para kaming hinahabol ng aso. Ang daldal naman kasi nila eh. Hinatid kami ng Tito ni Casha. Nakakahiya naman diba kung magta-tricecle kami?.
Hindi parin ako tumitino. Na kay Brix parin ang utak ko. Pero impossible talaga eh.
Impossible nga Mave, wag assuming.
Pumasok na kami sa loob. Sa isa kasing Hotel gaganapin. Sakto rin ang pagdating namin dahil magsisimula na. Nginitian ko lang ang partner ko.
Hinahanap ng mga mata ko si Brix pero si Blue ang nakita ko. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Mukhang si Blue nga. Pero bakit parang di masaya? Dahil umaasa ako na si Brix.
Kainis ka kasi Mave, sabi ng wag umasa eh. Sinabihan ka na nga ng mga kaibigan mong napaka-imposible non eh. Maktol ng isip ko na parang maiiyak.
Nginitian ko na lang si Blue ng kumaway ito. Mamaya ko na lang siguro siya pasasalamatan.
"Mave, kaina ka pa pinagmamasdan ni Blue." Kinikilig na si Lasha. Magka-table lang kasi kaming apat.
"Yon na nga Lasha eh. Siguro siya talaga ang nagbigay nitong suot ko." Naiilang kong saad.
"Sabi ko naman sayo eh." Saad pa nito.
Naputol ang pag-uusap namin ng magsimula na kaming pumaso para sa exchanging candle and rose. Sobrang ganda ng hall lalong lalo na ang mga ka batch-mate ko. Lalong lalo na ang pinapatugtog na music.
Nakakainis lang. Bat di ko makita si Brix? Hindi kaya siya um-attend?.
Habang pumapaso kami ng partner ko sa red carpet nakita ko si Brix. Nakatalikod siya pero hundred percent ako na siya yon. Ghadness! Ang gwapo niya kahit nakatalikod. Magandang rin ang partner niya ang tinaguriang Beauty of the Campus.
Hanggang sa natapos ang exchanging candle at ngayon cotillion naman. Pero ni minsan hindi siya lumingon. Nakatitig lang ako dito habang sumasayaw sila. Nakita kaya niya ako? Mukang hindi.
Nakakainis. Naiiyak kong maktol sa loob loob ko.
"May hinahanap ka ba?." Napalingon ako kay Blue ng maupo ito sa tabi. Hindi rin maipagkakaila ang angkin nitong kagwapohan.
"Blue, umamin ka. Ikaw ba ang nagpadala ng suot kong to sa bahay?." Agad nagsalubong ang kulay ni Blue.
"Suot mong yan?." Nalilitong tanong nito.
"Oo." Sana hindi.
"Hindi. Bakit binigay ba yan sayo?." Confirm. Hindi si Blue.
"Bumalik ka na sa table niyo." Wala siyang nagawa ng itulak ko siya.
Hindi si Blue. Hindi ring pwedeng si Brix. Baka si---------- Blaire? Oo si Blaire. Naalala ko na. Nagkagusto siya sa akin. Nilagawan niya ako ng 8months pero wala paring nangyari.
Ng matapos ang cotillion at dinner agad kong hinanap si Blaire. Busy ang tatlo kaka-kuha ng mga litrato nila. Hindi rin naman kasi ako mapakali pag-hindi ko nalaman ang taong nasa likod nito.
Ngayon awarding naman. Pero bat di ko makita si Blaire? Kainis oh.
Nagsimula na ang disco. Sobra ng dilim dahil mga rainbow lights na lang ang nagbibigay liwanag.
"Tara Mave, sayaw tayo." Yaya ni Casha na nakasigaw dahil sa lakas ng music na talagang mapapaindak ka pero wala ako sa mood. Nasa dance floor na rin kasi ang dalawa.
"Mauna ka na. Comfort room lang ako." Pagsisinungaling ko.
"Sige, sunod ka ha?!." Patakbo na itong pumunta ng dance floor.
Kahit umiikot ang paningin ko tumayo parin ako. Kailangan kung mahanap si Blaire. Pero saan? Ang laki ng hall nato tsaka ang dilim.
Na saan ka ba Blaire?.
Nakisali ako sa gitna ng dance floor baka sakaling nandon siya. May nakita akong panyo. Kukunin ko na sana ng sipain ito ng babaeng sumasayaw.
"Teka, sandali!." Habol ko sa panyo na kung saan saan na umaabot dahil nasisipa ng mga sumasayaw.
"Aray ko! Teka! Hoy! Aray naman!." Sobra naman ata makasayaw ang mga taong to.
Agad kong tinakbo ang panyo ng makita ko ito sa ilalim ng mesa.
Haist. Pinahirapan mo ako. Bat ko ng ba to pinaghirapang kunin? Akin ba to?
Tanga ka talaga Mavelyn.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang nakalagay sa panyo.
"B?."
***********
May part 2 po ang Chapter na to. Kung meron mang-nagbabasa. Taos puso akong nagpapasalamat.❤💙💚💛💜💓💕💖💗💘💝💟. Hope you enjoy. Don't forget to vote and leave a comment if you want. Shukran.😇😇😇😇Always be,
Muslimqueen09👸
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romansa"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...