Thousand Tears: Pain

151 2 0
                                    


                    MAVE P.O.V

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok sa loob. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa sling bag ko at sa pagkaing pina-take out ko dahil hindi ko man lang nagalaw kanina, sayang naman kung iiwan lang.

Ano na naman ba tong nangyayari sa akin?

"Mave, thank God dumating ka na. Come here!." Halata ang sobrang saya sa boses ni tita pero bigla akong nanghina ng magtagpo ang paningin namin ni Brix at sobrang lamig na paningin ang ibinigay niy sa akin.

Na para bang ngayon lang niya ako nakita. Na para bang wala lang siyang nakita, na parang isang fans lang niya. Na parang-----.

"Mave, hija!." Tawag uli ni tita kaya kahit labag sa akin lumapit na lang ako.

Di ba ito naman ang lagi kong pinagdarasal? Di ba ito yong matagal ko ng hinihintay? Bat iba ngayon ang nararamdaman ko? Di ba dapat masaya ako katulad kanina? Bat naiiyak ako?

Hindi na napigilan ni tita at hinila pa ako palapit kay Brix. Nandon din si Brent na nakangiti pa. Alam kong masaya sila pero bakit ako hindi?

"Brix, anong masasabi mo ngayon kay Mave?." Tanong ni tita kay Brix na hindi man lang nag-abalang mag-angat ng tingin at sobrang sakit non.

"She's still the same. Stupid." Kahit mahina ang pagkakabanggit niya sa huling salitang binigkas niya nagawa ko paring marinig.

Stupid!

Napalunok ako sa sagot niya pero hindi ko pinahalata.

"Brix, si Mave--------."

"Tita, may kailangan pa po akong gagawin. Baka pagod din si Brix, Sige po." Hindi pa nga ito nakakasagot nagmamadali na akong umalis.

Masakit kasi eh. Tama na muna yon. Baka kasi hindi ko kayanin.

Oo! Masaya ako dahil dininig ng maykapal ang dasal ko pero bat kailangan may magbago?

Alalang alala ko pa nga ang mga salitang binitawan niya bago sila lumipad patungong UK one year ago.

Nagpalit lang ako at bumaba uli para maghanda ng meryenda nila. Napahinto ako ng makita ang babaeng kahawak kamay ni Brix kanina sa mall na kausap nila sa veranda.

Ayokong isipin ang gustong isipin ng isip ko ngayon. Agad kong ibinaling ang paningin ko sa iba ng tumingin si tita. Dali dali akong pumunta ng kusina dahil baka tawagin na naman ako ni tita. Tama na yong mga salitang binitawan niya, hindi ko pa kayang madagdagan yon.

"Mave." Ayan na nga.

Ipinikit ko muna ang mata ko bago humarap sa kanila.

"Po?." Lumapit na lang ako.

                          HEILEY P.O.V

Pababa pa lang siya agad ko na siyang nakilala. Siya nga! Si Taffny Mavelyn na mas kilalang Mave na pinag-aabalahang titigan ni Brix sa phone nito. The greatest helper I ever known na kayang mang-gayuma ng anak ng amo niya.

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon