Thousand Tears: Di pwede!!

260 7 1
                                    


Mave POV

Hinatid kami ni itay sa mansiong pinag tatrabahoan ni inay at parang gusto kung malola.

Akala ko fantasy lang ang ganitong bahay.

Sige na sila na mayaman.

Ng maka Alis si itay saka pa kami pumasok sa loob.

Wow!!

O.k naiingit ako.

Ng makapasok kami sa mala royal nilang pinto parang gusto kung umatras.

Di ata bagay mga paa ko dito.

"Anak ipakikilala kita sa amo ko" sabi ni inay.

Kinabahan tuloy kahit Alam kong mabait Ito base sa mga kwento ni inay.

"Magandang hapon po maam breanna" dahan dahan itong lumingon sa amin.

Kung nalola ako dahil sa ganda ng mansyon. Lutang naman ako dahil sa ganda ng babaeng kaharap ko.

"Nay andeng kayo pala" nakangiting saad nito at bumaling sa akin.

"Sya ba ang anak nyong babae?" Pananalita palang nito sobrang mahinahon.

"Opo ma'am" magalang saad ni inay.

" magandang hapon po. Ako nga po pala Si taffny mavelyn pero tawagin nyo na lang po akong mave" pag papakilala ko.

Hindi sya nakaka ilang kausap.

"Breanna. tita na lang itawag mo"

Ngiti lang ibinalik ko sa kanya.

"Sige po ma'am mag tatrabaho na po kami." Tumango lang ito bilang sagot.

"Ang ganda nya nay ang bait pa"

"Sabi ko Naman sayo e."

Sa mga napapanood ko kasi sa mga movie palaging mata pobre ang mga mayayaman di naman pala.

"Sige na mave don ka sa library mag linis. Nasa ikalawang palapag. Kung may kailangan ka nasa kusina lang ako." Bilin ni inay.

"Opo nay" dahan dahan akong pumanhik sa second floor ng bahay nila.

Agad ko rin namang nakita ang library kaya dahan dahan kung pinihit ang Door knob.

Wew. Ang laki ng library nila parang buong bahay na ata namin.

Kahit San banda ka tumingin puro libro makikita mo.

Library na nga diba?

Talo pa ata library ng school namin.

Nag Simula na lang akong mag punas ng dapat punasan at mag arrange ng libro Ta's nag walis.

Di naman nakakapagod. Nakaka aliw nga e dahil napapalibotan ka ng mga libro.

Lalabas na Sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

Sapatos ang Una kung nakita.

Pants.

T-shirt.

Bibig.

Ilong.

Mata.

Oma!!!!

"What are you doing here?"

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Katulong Karin ba?"

"Tsk. Look at my out fit. May katulong bang ganito? Stupid"

"So bisita ka?"

"Stop asking me. Anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin.?"

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon