MAVE P.O.VNandito ako sa bahay namin kasama ang mga kaibigan ko. Magpapalipas lang ako ng sakit ng narardaman kasama sila.
Sila kasi ang kailangan ko sa ganitong sitwasyon eh. Sila yong unang nalalapitan ko.
"Anong balak mo ngayon, Mave? Aasa ka parin ba kahit may girlfriend na siya?." Ako na siguro ang isa sa pinaka-tangang tao sa mundo pag-ginawa ko yan Lasha.
Wala ng rason para umasa. Wala ng rason para magpatuloy pa. Kung kailangan sabihin na talo ako. Oo! Talo ako. Nasaktan ako kasi umasa ako.
"Mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko." Mahinahong saad ko habang nakasandal sa sofa.
Ilang oras din akong sinamahan nila dito sa bahay at kung saan saan narin umabot ang usapan namin dahilan para makalimot din ako. Kailangan ko ng tanggapin at ibaon sa lupa ang masasayang ala-ala namin ni Brix.
Masaya na siya kaya dapat maging masaya din ako para sa kanya. Hindi dapat ako magpa-apekto, isa pa masyado pang-bata para ma involve ako sa ganitong pagmamahal. Siguro ito yong sinasabi nilang 'puppy love' na masasaktan ka lang sa simula.
Babalik din ako sa dating Mave na nakilala niyo sa noon. Pangako yan.
Sabay na naming nilisan ang bahay at nagtungo na ako sa mansion. Ng masaya.
Hindi na ako iiyak! Hindi na uli ako masasaktan! Hindi na uli ako magpapa-apekto! Lilipas din to, kasabay nitong sakit lilipas din tong nararamdaman ko. At hindi na uli ako magmamahal kung kapalit non ay mga patak ng luha.
Naabotan ko ang tatlong magkakapatid na nanonood ng movie. Pinilit kong dahan dahang lumakad para hindi nila mahalata ang pagdating ko.
Masaya na siya Mave, kaya dapat maging masaya ka para sa kaniya.
"Litcheng Kabayo!!." Sigaw ko na napatalon pa ng paglingon ko nasa harapan ko na si Brix.
Akala ko ngingiti siya pero tinaasan lang niya ako ng kilay at pumanhik na sa taas.
Oh, Mave! Malinaw na malinaw na.
At dahil nga may deal ako sa sarili ko hindi talaga ako nagpa-apekto. Dahil kung kaya niya mas kaya ko.
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...