Mave P.O.V
Wala akong choice kundi ang ihatid tong meryenda sa ugok na yon.
Hindi na akoo kumatok. Wala naman magbabago diba kung kakatok pa ko.
"Bumalik pa." Pairap nitong saad na halata namang ako ang pinatatamaan.
"Mer.yen.da." sarkastiko kung bitiw sa mga salitang yon.
Umupo ako sa kaharap nitong sofa habang naglilikot ang mga kamay ko sa mga gamit nya.
"Ganyan ba kalikot ang kamay mo?" Agad naman akong natigilan.
"Grabi ka naman, tinitingnan ko nga lang." Maktol ko.
Tiningnan ko na lang ang mga litrato na nakadisplay sa ibabaw ng drawer nya.
"Magkamukha kayo ng dad mo."
"Wag mo nga yang tingnan." Salita nito habang ngumunguya ng pagkain.
"Brix, Wala ka pa bang girlfriend?."
"Bakit? Liligawan mo ko?." Muntik ko ng maihagis ang frame na hawak ko sa kanya.
Ang kapal talaga.
"Search mo nga feeler, duon mo makikita pangalan mo." Pairap kong saad. Ubod nga ng kagwapuhan dinagdagan pa ng kakapalan ng mukha.
"Ba't mo tinanong? Pagsinabi kong oo, iiyak ka?." Pwedeng masuka?
"Excuse me, bat naman ako maiiyak?"
"So, why are you asking?."
"Bawal na pala ngayon ang magtanong? Bat di mo sinabi?" Kainis.
Bakit pagsinabi ko bang iiyak ako, liligawan mo ba ako?
Aaaaarrrrgggghh!!!!
"Pag meron na, sabihin mo sa akin ha? Friends naman tayo diba?" Abot hanggang langit ang ngiti ko habang hinihintay ang sagot nya.
"Friends pala tayo? Bat di ko Alam yon?."
"Ang sama mo naman." Sabay irap.
"Hindi kasi ako nakikipag-friend sa mga STUPID!." Agad kong napigil ang paghinga sa sinabi nito.
"Nasasaktan ka?." Nakangiting tanong nito.
"Eh, ikaw kaya ang tawagin kong STUPID?!."
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...