MAVE P.O.V
Nandito kami sa bahay kasama ang mga kaibigan ko. Simula nong tumira ako sa mansion ng mga Lancer wala ng tumatao dito sa bahay kaya ginawa na lang naming tag-poan.
Birthday kasi ni Lasha at dito niya gustong e-celebrate. Konting pagkain lang naman na talagang sapat na sa aming apat.
"Happy birthday, Lasha. More birthdays to come and more candles to blow." Naiiyak kong bati sa kaniya. Isa isa namin siyang binigyan ng birthday wish kaya naging emotional ang birthday girl.
Masaya naming nilantakan ang munting handaan na kami mismo ang nagluto. Syempre hindi mawawala ang picture taking. Reyna kaya ng mga selfie tong mga kasama ko.
Matapos magligpit nagyaya silang mag-shopping. Pumayag narin ako dahil matagal tagal narin kaming hindi nakaka-lakwatsa sa mall.
"Hoy, Thalliah! Bat ka napahinto?." Tanong ni Lasha kay Thalliah na parang nakakita ng multo.
"Ang gwapo niya." Wala sa sariling saad nito kaya sinundan namin ang tinitingnan niya.
Gwapo nga pero ma's gwapo si Brix at totoo yon kaya hindi ko binigyan ng interes. Ito na naman. Sumulpot na naman si Brix sa isip ko.
"Mave, di ba si Brix yon?." Tanong ni Casha. Agad naman akong napalingon sa tinuro nito.
Si Brix nga kasama si Sofia.
"Sino yong kasama niya?." Tanong ni Thalliah habang diretso ang tingin sa dalawa.
"Si Sofia, childhood best friend ata niya." Yon ang pagkaka-alam ko batay sa kwento ni Brixa.
"Nagde-date siguro sila." Saad ni Lasha na nagpa-usbong sa inis ko.
Nagde-date pala ah.
"Tara na, walang mangyayari kong tititigan na lang tayo sa kanilang dalawa." Walang gana kong saad.
"Mave, boyfriend ba niya si Brix?." Pahabol pa talagang tanong ni Thalliah.
"Tanongin mo, hindi naman siguro bawal." Naiirita kong sagot.
Hindi naman siguro halatang galit ako.
"Nagseselos ka ba Mave?." Tanong ni Casha na hinarangan pa ang dinaraanan ko.
"Tigilan mo ako Casha." Nilagpasan ko lang siya at humanap ng daraanan na hindi ko makikita ang dalawang yon.
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...