MAVE P.O.V
Namumunto ang dalawa kong mata dahil narin siguro sa pag-iyak ko magdamag. Wala na kasi akong ibang makitang paraan para makalabas sa sakit kundi ang umiyak.
I'm sorry, Brix.
Galit ka nga rin sa akin. Mahal na mahal kita, nakaya kong labanan ang apat na taon na wala ka, na nag-iisa.
Kasi alam kong darating ang mga oras na muling magtatagpo ang mga landas natin. Ang buo kong akala magpapaliwanag lang ako. Pero hindi nila ako binigyan ng kahit isang chance magsalita.
Pumasok ako sa trabaho dahil naka-ilang absent narin ako baka ano na ang sabihin ni Blue.
Nakaupo lang ako dito sa loob ng counter habang nakamasid sa mga costumer na labas pasok sa resto.
"Mave." Bumalik ako sa katinuan ng biglang lumitaw si Blue sa tabi ko.
"Bakit?." Mahinang tanong ko at sumandal sa sofa.
"May lakad ka ba sa Friday?." Tanong nito.
Day off ko sa Friday at wala naman akong balak maglakwatsa.
"Wala." Sagot ko sabay iling .
"Good." Saad niya at sumandal din sa sofa. Busy Si Blue dahil marami siyang hinahawakang project. Isa siyang engineer na kilalang kilala sa labas ng bansa.
"Bakit? Anong meron sa Friday?."
"May dadaluhan kasi akong engagement party. Hindi makakasama si Sofia dahil may meeting siya on that time." Hindi ko alam kung bakit lumakas ang pagtibok ng puso ko ng marinig ang salitang 'engagement party'.
"Gabi naman yon gaganapin Mave, kaya sama ka." Parang batang saad nito. Na miss ko tuloy si Thalliah.
"P-pero-----."
"Please." Nag puppy eyes pa talaga ang loko.
Hindi naman sa ayaw ko. Nahihiya lang kasi ako. Kilala sa buong mundo si Blue at ayoko makagawa ng issue.
"Teka, Friday na bukas di ba?." Bigla kong tanong sa kaniya.
"Tama, bukas na nga ng gabi."
Ako naman ngayon ang napa-pout. Malamang kakailanganin ko na naman ng panibagong damit. Nakakainis talaga.
Hindi ko naman pwedeng ayawan si Blue.
Masaya ako sa dalawang taong magpapa-engaged. Mabuti pa sila happy ending. Hindi katulad ko na ako musmo ang gumawa ng paraan para maging worst ending.
"Don't forget Friday night, 7:00 pm. Susunduin kita sa apartment mo, bye." Pagtango lang ang ginawa kong pagsagot sa dinaldal niya at patakbong lumabas ng resto.
Nang mag-out sa resto, sumaglit muna ako sa mall. Nagbabasakaling may sale ngayon para tipid narin, isang gabi lang naman susuotin.
Ng makapasok sa mall agad napako ang paningin ko sa ice cream parlor malapit sa entrance. Lalong pa akong napatigil ng makakita ng magkasintahan na kumakain ng ice cream.
Ganong ganon kami ni Brix dati. Pero dati yon malabo ng mangyari ngayon
Inikot ko ang mall pero bigo parin ako sa huli. Shaklap, walang sale!
Saglit akong napatigil ng makita si tita Breanna at tito luke. Nag-uusap sila at ng mapansin nila ako sabay nawala ang ngiti sa kanilang labi.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano. Mas lalo akong na estatwa ng linagpasan nila ako.
Oo, masakit. Gusto kong yakapin ang naging nanay at tatay ko.
Pumikit ako at kinagat ang ibabang labi ko para muling pigilan ang emosyon.
Isa isa ko na uli silang nakikita Pero isa lang ang alam kong totoo. Galit sila sa akin.
Nagtungo ako sa comfort room at nanghihinang pumasok sa cubicle.
**********
Gusto niyo pa shout out o pa dedicate? Comment lang kayo. Salamat sa lahat.Always be,
Muslimqueen09
![](https://img.wattpad.com/cover/78647543-288-k268008.jpg)
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...