Thoysand Tears: The Most Painful Ending! [Part 1]

150 0 0
                                    

                         MAVE P.O.V

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang pinakamasayang birthday ng buhay ko at ilang araw na rin ang lumipas lagi na lang akong mag-isa dito sa mansion.

Halos araw araw wala si Brix dahil busy, hindi ko nga alam kung natutulog pa ba siya dahil hindi ko na talaga siya nakikita dito.

Umuuwi pa kaya siya?

Hindi na talaga siya nagparamdam pa sa akin? Nag away ba kami? Galit ba siya? Nagsawa na ba siya sa akin? May iba na ba siya? Waahhh! Malapit na akong baliw.

Mag-iisang linggo ng laging ganito at nakakapanibago na ganon din si Brent at Brixa. Sanay na ako kay tita at tito pero silang tatlo ay nakakapanibago talaga.

May problema ba?

Lagi kong tine-text si Brix at minsan tinatawagan pero hindi niya sinasagot at hindi rin siya nagre-reply.

Feel ko tuloy, iniiwasan nila akong lahat? Pero wala naman akong ginawa?

Pilit kong pinapagana ang utak ko at hinahalungkat ang mga nagdaang araw kung may nagawa ba akong mali pero wala akong maalala.

Kulang na nga lang isapak ko tong ulo ko sa pader, eh!

Nakita ko si Brent na pababa ng hagdan na parang nagmamadali.  Wala naman sigurong mali kung magtatanong ako di ba?

Kasi, talagang wala sa oras lalaslasin ko na ang sarili ko dahil gulong gulo na ang utak ko kakaisip.

"Brent------------."

"Sorry, Mave. May lakad pa ako, bye!." Patakbo itong lumabas at naiwan akong nakatunganga lang.

Mukang, may nangyayari nga.

Siguro sa business lang nila. Pero, bakit pati si Brixa?

*sigh*

Nagbabakasakali lang naman ako na baka may maitulong ako kung ano man ang problema nila.

Napabaling ako sa taong lumabas mula sa dinning at nakita ko si Brixa na nagmamadaling kinuha ang bag niya saka lalabas na sana ng pigilan ko siya.

"Brixa, teka!." Pigil ko sabay hawak sa kamay niya. Para siyang kinakabahan na hindi ko maintindihan dahil sa sari saring emosyon na nakikita ko sa mga mata at kinikilos niya.

"Ate, listen. Wag kang manunuod ng TV ngayon, wag kang mag-on ng radio o kahit na ano. Iwasan mo rin ang pag-online at wag kang lalabas ng mansion. Understand, ate?." Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya pero pinilit kong tumango at wala na akong nagawa ng patakbo na siyang umalis.

Hindi ako pwedeng lumabas? Teka, bakit?

Kinakabahan akong naupo sa couch at kung naguguluhan ako kanina mas nalilito ako ngayon.

Ang daming tanong na namumuo sa pesting utak ko na walang gustong sumagot. Kumakati na ang kamay ko, gusto kong mag-on ng TV at radio o kaya mag online at lumabas pero ipinagbawal yon ni Brixa. Pero, bakit?

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon