Nabawasan ang kanyang guilt nang dumating naman ang mag-asawang sina Jefferson Paul at Robelyn. Kasama ng mga ito ang dalagang si Maiden Heaven at ang nakababatang kapatid nitong si Opal.
Mabilis na lumapit ang kanyang anak kay Maiden at inakay ito paakyat sa taas. They understand their children. Hayaan muna nilang mag-usap ang mga ito. Sila namang lima ay nagsimulang magkumustahan tulad ng dati. In the middle of their conversation, Opal complained of being out-of-place.
"Nasaan po si kuya Santi?" tanong ng bata kay James. Amg tinutukoy nito ay ang nag-iisang anak nina James at Nadine. "Siya sana ang kasama ko ngayon."
Nadine gently gave Opal a pat on the shoulder. "I am sorry sweetheart. May outing si Santiago kasama ang mga barkada niya. Sisingilin natin siya sa susunod ok? Meanwhile, you can watch your Ate Charmaine's movie collection."
"Don't wanna." mabilis na sagot ng siyam na taong gulang na bata. "They're all girly. Sabi ni Daddy hindi daw ako dapat manood ng barbie. And Ate Charmaine's collections are Barbie."
The boy earned some roaring laughs from them.
"Kung anu-anong tinuturo mo sa anak mo." sabi ni Robelyn sa asawa nito. Nahuli nga kitang nanonood ng Barbie noon."
At muli silang napatawa.
"Nadaanan lang iyon ng remote honey." defensive na sagot ng kanilang kaibigan. "Halika nga rito Opal, give your Daddy some massage." Napangiti si Opal at mabilis na tumalima. Pumunta ito sa likuran ni Jefferson at binigyan ng masahe. Natutuwa siya sa kanyang nakikita.
Of all the kids, Maiden Heaven is the oldest. Mas nauna ito ng isang taon sa kanyang anak na si Charmaine. Tunay na magkaibigan ang mga ito katulad nilang mga magulang. Si Santiago aka Santi na anak nina Nadine at James ay mas bata ng dalawang taon kay Maiden at isang taon kay Charmaine. Maiden is now twenty. That makes Charmaine nineteen and Santi eighteen. Noong mga bata pa ang mga ito ay ang tatlo ang palaging magkalaro. Nang lumaon na at lumalaki ay napilitang humiwalay si Santi at nagkaroon ng mga kaibigang mga kauri nito. Matalik pa ring magkaibigan ang tatlo hanggang ngayon.
They once joked na sana may magkakatuluyan sa kanilang mga anak. Kung si Maiden man at Santi o si Charmaine at ang lalaki, ay malugod at buong puso nilang tatanggapin. Pero sa ngayon, malabong mangyari iyon. Noong last na reunion kasi nila ay may iniuwi si Santi na babae at ipinakilalang girlfriend nito sa kanila. Ganunpaman ang nangyari ay boto pa rin naman sina James at Nadine sa babae. May naririnig din siyang sinasabi noon nina JeffPaul at Robelyn na may boyfriend na rin daw si Maiden na may pangalang Nichard. Hindi naman umamin ang dalaga nang minsan ay asarin nila ito. Si Charmaine na lang ang wala pa siyang naririnig na may kasintahan na rin. Hindi naman niya ito pinagbabawalang magpaligaw.
"Pare."
Bigla siyang bumalik sa kasalukuyan nang marinig niya ang boses ni JP. Biglang nanahimik ang buong bahay. Parehong nakatingin ang apat sa kanya.
"Ano yun?" tanong niya sa kaibigan kahit na alam na niya ang kakapuntahan ng pag-uusap na iyon.
"Magwawalong taon na pala ang nakalipas." malungkot na sabi ni Robelyn. "Malapit na ang araw ng kanyang pagkawala." Halos maiyak na ito.
He cleared his throat. Kailangan niyang iwasan ang ganitong mga pag-uusap pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya kaya. Of course, his friends does not want to relive the pain he was feeling. Gusto lang ng mga itong makisimpatya sa kanya. After all he was not the only one na nawalan. Nawalan din ang mga ito ng isang kaibigan. Charmaine lost a mother. Lorie lost a sister and their parents lost a daughter.
He sighed. "Guys, don't worry about me. Natatanggap ko na ang walong taon. Wala na tayong magagawa pa. Marahil ay namatay na nga talaga siya sa aksidenteng iyon. I will always love her pero kailangan ko na ring makalimot para sa aming anak."
Sabay-sabay na tumayo ang apat niyang mga kaibigan at niyakap siya ng mahigpit. Nadine and Robelyn are now crying.
"That was the last thing I wanted to do." Nadine said in almost a whisper. "But, I agree with you. Kung hindi na natin siya mahahanap sa mga pagkakataong ito, mas maganda yatang makapagmove-on na rin tayo."
"Tama si Nadine." patuloy naman ni James. "But let us not give up already. Maghintay na tayo ng isa pang taon. Mula kasi sa mga nakalipas na araw ay may kakaiba akong pakiramdam and dreams of her awake me at night frequently."
"Gulat na napatingin si JP kay James. "I was bothered by some dreams of her lately too. Happy ones. Her smiles and her laughs."
Mataman niyang tinitigan ang mga ito. "You are so lucky to dream of her. Sana ay ako din para kahit panaginip ay masilayan man lang ang kanyang mga ngiti. Then, they would only just dreams."
Muling lumapit sa kanya si Robelyn at binigyan siya ng yakap. "Don't lose hope darling. Tatagan mo ang iyong loob sa huling pagkakataon. It is not us to decide kung ano ang gusto mong gawin pero masakit mang aminin ay parang mas makakabuti yatang magpatuloy na tayo kung talagang wala na tayong makikita sa kanya. Charmaine is growing older now. Somehow, she will also learn how to let go."
Pagkatapos ng iba pang mga pag-uusap ay nagpasalamat si Alden sa kanyang mga kaibigan nang magpaalam na ang mga ito para uuwi. Naunang nagpaalam sina Nadine at James. Sumunod na rin sina JP at Robelyn nang lumitaw si Maiden na tinawag ng mga ito sa taas. Sila na lang ng kanyang anak ang naiwan. Pinatawag niya ito para makausap ng masinsinan.

BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..