Forever 48

1K 84 13
                                    

"Good morning." nakangiting bati ni Alden kay Kerry Anne. Hindi ito sumagot. Napansin niyang nakatingin ito sa kanyang hita na hindi natatabingan ng kumot. She is looking at his tattoo.


Hinila niya ang kumot. Naexpose ang hita ni Kerry Anne na may tattoo. Itinapat niya doon ang hita niya at nabuo ang isang puso mula sa tattoo nilang dalawa.


"This is not an accident." sabi niya sa mahinang boses. "Ito ang remembrance natin sa second anniversary natin. Isang sikat na tattoo artist sa London ang gumuhit diyan."


Kerry Anne remained speechless. And Alden does not want to pressure her. Sa ngayon ay masaya siya dahil alam niyang buhay ang asawa niya. Hindi man niya maipaliwanag kung paano nangyari iyon, but slowly, they will be going there. "What can you say?"


"I don't know. Natatakot ako. Hindi ako sigurado sa lahat. At kung talaga ngang ako si Maine, I am afraid, but I can't be with you. Ikinasal kami ni Harry sa Nashville. Isang patunay ay ang singsing na ito."


Alden sighed. Of course, alam na niya ang bagay na iyon. "Tell me, paano mo ba nakilala si Harry?"


"Nagising ako isang araw na hindi ko kilala ang sarili ko. Sina Harry at Tita Judith ang nasilayan ko. They meant no harm at tumawag sila ng doctor para ipaliwanag ang nangyari sa akin. He said that I have a sever amnesia. Based on his findings, malabo na daw bumalik ang ala-ala ko. Hindi nakuntento sina Harry at Tita Judith. Ilang doktor din ang kinonsulta nila pero pare-pareho ang findings, malabo na daw bumalik ang ala-ala ko. Ilang linggo ko din tiniis iyon. And Harry and Tita Judith did not give up on me. Si Tita Judith na rin ang nagbigay ng pangalan sa akin. Habang tumatagal ay nagustuhan ko ang pamamalagi ko sa Sagada. Hanggang sa isang araw ay nagpasya kaming magpakasal ni Harry. Alam kong hindi gusto ni Harry na mangyari iyon pero kinakailangan. Lumipad kami papuntang Nashville at doon kami ikinasal. He wanted to marry me abroad para sakaling bumalik daw ang ala-ala ko at ayaw ko nang matali sa kanya ay madali na lang ang proseso ng divorce."


"Pero bakit hindi man lang nila hinanap kung sino ang mga kapamilya mo? You were a famous star that time?" katwiran ni Alden. Nasasayangan kasi siya sa mga taon na nawala si Maine sa kanila ni Charmaine.


"I was the one to blame. I might have prevented them dahil nag-enjoy ako sa tahimik na buhay sa Sagada. Believe me, walang hindi ginawa sina Harry para malaman kung sino talaga ako. Then there came Menard, he was the best thing that happened in my life. Ibinuhos ko ang buong panahon ko sa pagpapalaki sa kanya hanggang sa nakalimutan ko na balikan ang totoo kong pagkatao. We had live a normal life until you came into our lives. Nang malaman kong kumukha ko si Maine at sinasabi niyong namatay siya ay doon na rin ako nagduda sa pagkatao ko. At ngayon ay meron pang mga taong gustong pumatay sa akin. Hindi ko na alam kung ano na lang ang aking iisipin."


"Huwag kang mag-alala." Alden whispered. "I will do everything in my power to solve all this things."


Nag-iwas si Kerry Anne ng tingin. "Sa tingin ko, kailangan mo nang lumabas. Bakaka mamaya ay darating dito si Menard.


Alden rose up silently na walang pakialam kung makikita ang kahubdan niya. He gathered his clothes that were scattered on the floor and headed to the door.


"I will see you later." aniya at saka lumabas ng pintuan. Pagbalik niya sa kuwarto ni Charmaine ay ang cellphone niya ang una niyang tiningnan. Nagulat siya nang makita niya ang maraming unanswered calls. It all came from a trusted person from his company. Kung ganung maraming beses itong tumawag ay sigurado siyang importante iyon.

He called his personnel and was shocked at what he was about to hear. Sinabi ng tao niya na nadatnang patay daw si Tracy sa bahay nito. Ilang araw daw na may naaamoy ang mga kapitbahay na kakaibang amoy. They tried to ignore the smell since hindi naman nila mahanap ang pinanggagalingan niyon. Only last night when Tracy's maid returned from a vacation. Nagulat ito nang madatnan ang naaagnas na bangkay ng babae sa sala.


Based on the initial investigation, Tracy's throat had been slit open. Walang alinmang patalim ang narecover sa bahay sa sala. It was concluded na murder ang nangyari kasi nasira ang CCTV at ang mga gamit sa sala ay nagkalat. Lumalabas sa imbestigasyon na nanlaban ang babae. Hindi pa malaman sa ngayon ang sanhi ng krimen. Malabo ring robbery iyon dahil walang nawala namang gamit.


Biglang nanlumo si Alden sa narinig. Mabilis siyang nag-ayos ng gamit. Kailangan niyang bumalik sa Metro Manila ngayon din. Wala siyang choice kundi iwan muna sina Kerry Anne at Menard. Naniniwala siyang safe ang mga ito sa piling ng kanyang mga biyenan. Mabilis siyang pumunta sa banyo at naligo. In less than an hour, nakaayos siya kaagad.


Nagmamadali siyang lumipat sa kuwarto. Nadatnan niya si Kerry Anne na nakahiga pa rin sa kama. Parang may malalin itong iniisip.


"Maine." he uttered while he is approaching her. "Can I leave you here and Menard? May mahalaga akong aasikasuhin sa Manila. Babalik din ako kaagad pav natapos."


"Ok lang kami dito." Kerry Anne replied tenderly kahit hindi pa ito sanay na tinatawag na Maine. "Sa tingin ko naman ay safe kami dito."


Pagkatapos magbilin at magpaalam ay dumiretso siya sa kabila at nagpaalam kina Menard at sa mga biyenan niya. Hinatid siya ng mag-asawa sa garahe kung saan niya inamin ang pagkamatay ni Tracy. Nagulat ang dalawa at nagpasabi ng mga condolences.


"Come back to her Alden." his father-in-law said while looking at his house. "Come back to our Maine. Mag-iingat ka."


"Papa." Iyon lang ang nasabi niya sa pagkabigla.


"She is our daughter Alden." muling sabi ni Mr. Mendoza. "Nararamdaman namin na siya ang anak namin. Hindi namin alam kung ano ang ginawa nila sa kanya. And I am determined na malaman kung ano ang nangyari."


"Papa, Mama. Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya. Maging ako po ay naniniwala na si Kerry Anne at si Maine ay iisa."

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon