Ilang beses na binasa ni Bianca ang text message na nareceive niya mula sa isang anonymous number. Hindi siya makapaniwala sa sinabi doon.
BEA MAY BE A SUSPECT ON KILLING TRACY BUT YOU ARE TOO! ON KILLING MAINE RICHARDS!
Galit na galit niyang sinagot ito.
Who the hell are you?
HINDI NA IMPORTANTE IYON. I KNOW ALL YOUR SECRETS BIANCA!
Bigla siyang kinabahan sa sinasabi ng anonymous text sender. Nangati siyang idial ang number pero hindi ito sumagot. Bagkus ay sumagot muli ito sa pamamagitan ng isang text message.
I KNOW YOU BIANCA. I KNOW YOU VERY WELL.
Bigla siyang nag-isip kung sino ang maaaring makagawa ng ganoon. But she failed. Wala siyang maalala na makakagawa ng ganoon sa kanya.
Hindi ako natatakot sa banta mo! Wala akong ginawang masama kaya hindi mo ako matatakot.
WELL, YOU SHOUD BE! BAKA NAKAKALIMUTAN MO NA KAILANMAN AY HINDI MO GINUSTO NA MAKASAL ANG KUYA MO KAY MAINE DAHIL HINDI KA PA HANDA NA MAG-ASAWA ANG PINAKAMAMAHAL MONG KAPATID!
Mas lalo siyang kinilabutan. Who could do that to her? Sino namang sirang-ulo ang mag-isip ng ganoon sa kanya? Isa lang ang alam niya, she is being framed up. At hindi siya papaya doon.
Are you insane? At sino naman ang maniniwala sa iyo? Pathetic! Kung sino ka man, stop hiding yourself from an anonymous number. Harapin mo ako at magtuos tayo! Hindi ako natatakot sa banta mo!
Matapang ang mga sagot ni Bianca kahit sa totoo lang ay nanginginig siya sa takot. She is not used to such things.
OF COURSE, YOUR BROTHER WILL EASILY BELIEVE ME. CONSIDERING THE WAY YOU BEHAVED DURING THEIR WEDDING.
Her fear soared to a higher level. She must have known her very well. Bigla niyang naalala kung anong ginawa niya sa kasal noon nina Maine at Alden. She cried a lot that day. The stranger is right, hindi pa siya noon handa na ikasal ang kapatid niya. But she was so young then. Nag-asal bata siya noon ikasal ang kapatid niya at si Maine. Hindi pa siya lumabas sa reception. Nagmukmuk siya sa kanyang kuwarto buong araw at buong gabi. She was even forced to attend the church ceremony.
Sa tagal ng pag-iisip niya ay hindi siya nakareply. She was even startled when her phone beeped. It was another text message from the anonymous sender.
TALO KA NA BIANCA! BAKA BUKAS AY MAKAKASAMA MO SI BEA SA KULUNGAN. HAPPY REUNION SA INYONG DALAWA MURDERERS!
Nabitiwan niya ang phone niya sa sobrang takot at frustration. Hindi niya pa rin maisip kung bakit may taong pag-iisipan siya ng ganoon. Hindi niya namalayan ang paglandas ng mga luha sa kanyang mukha. She felt so helpless.
![](https://img.wattpad.com/cover/80792914-288-k888383.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..