Forever 4

1.5K 83 11
                                    


Katulad ng kanyang mga kasamahan ay excited na na rin siyang umuwi sa hapong iyon. May mahalaga at maganda siyang balita sa kanyang mga magulang. Umaasa siya na sana ay papayagan siya ng mga ito na makakasama sa isang out-of-town contest na sasalihan nila. Isa siya sa napiling player ng baseball team nila. Well, given naman iyon dahil siya ang pinakamagaling na maglaro. He is the pitcher.


Sa edad na walong taong gulang ay matangkad at malaki na siya. He is in grade three pero para siyang nasa grade six sa kanyang laki. Ayon sa kanyang lola ay malaki talaga ang kanyang pangangatwan since his father is an American-Filipino. Kung maihahambing siya kasi sa mga batang nasa kanyang edad ay mas malaki na talaga siya sa mga ito.


Dahil na rin sa kanyang laki, kadalasan ang mga kasamang kalaro at mga kaibigan niya ay mga teammates niya rin sa baseball na karamihan ay nasa Grade Five at Grade Six. And he has an advanced mind dahil para siyang twelve years old kung siya ay mag-isip. He is consistently the top one in all of his classes since grade one.


"Bye Miss Lopez." paalam niya sa panghuli niyang teacher sa araw na iyon. That was his personality. Magalang siya at mababait sa lahat ng mga taong nakakasalamuha niya, kilala man niya o hindi. That's why, most of the town people adored him.


Pagkatapos ding magpaalam sa kanya si Miss Lopez ay muli niya itong binalikan. Tinulungan niya itong magligpit ng gamit.


"Thanks sweetie." wika ni Miss Lopez. "You need to go home now para ibalita sa parents mo ang dadaluhan niyong Regional Competition."


"Yes maam!" aniya na mas lalong naging excited. "Ba-bye po muli."


And he went off the room as fast as the wind. He reached their home in no time. Naabutan niya ang kanyang lola sa hardin na nagtatanggal ng ilang mga damo.


"Magandang hapon lola." masaya niyang bati rito. Hinubad niya ang kanyang backpack at basta na lang idineposito sa grassy lawn. Sinamahan niya ang kanyang lola sa pagdadamo.


"Hijo, nakauniform ka pa. Ayos lang sa akin ang gawin ito mag-isa." nakangiti nitong saway sa kanya. "Go and tell your mother the good news. Nasa kusina siya ngayon baka mamantsyahan lang ang white shirt mo dito."


"Alam niyo na po lola?" masigla niyang wika.


"Oo apo. Sinabi sa akin ng ina ng kaibigan mong si Jasper. Nakasabay ko kanina sa pamilihan. Sige na apo, go and tell your mother. Balikan mo na lang ako mamaya pag hindi pa ako tapos."


"Sige po lola."


Muli niyang binalikan ang kanyang backpack at pakanta-kantang pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kusina at nadatnan ang kanyang ina na nag-aayos ng lulutuhin.


"Mommy, I am home." he said to let his presence known.


Nakangiti itong lumapit sa kanya. She gave him a kiss on the cheeks. "How's school?"


"Great mommy. May sasabihin pala ako sa inyo."


"What is it sweetheart?"


"We're going to join the CARAA." masaya niyang anunsiyo.


"Really?" excited na tanong nito. Masaya itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I am so proud of you honey. Ang galing talaga ng anak ko."


"Does that mean that you will sign the waiver?"


"Of course, papayagan kita. That is amazing hijo. And do your best to win para makaabot kayo ng Palarong Pambansa."


"Salamat mommy. Kailan uuwi si Dad? Sasabihin ko sa kanya ang balita."


"Mamaya sweetheart. He would be delighted like me. I am really proud of you."


" 'Kay Mom. Thank you. And I love you."


"And I love you more. Now, go and change your clothes. Samahan mo ang lola mo sa paglilinis ng garden."


"Opo mommy."


*****

Kinagabihan. Kumpleto silang lahat sa dinner. Masayang ibinalita ng bata ang tungkol sa pagsama niya sa CARAA.


"Kailan iyon hijo?" tanong ng kanyang Daddy na masayang-masaya rin para sa kanya. Napakabata pa niya para makasali sa isang regional sports event and nobody is prouder than his parents.


"Next month pa po Dad. Sisimulan na po namin ang training bukas."


"Saan gaganapin?"


"Sa Baguio Dad. It will be my first time to leave you for so long. Ok lang po ba na malayo ako sa inyo?"


"Sweetheart, malapit lang ang Baguio." anang kanyang ina.


"Your mother is right. At ako na ang maghahatid sa iyo doon. Kakausapin ko ang coach mo para sa hotel na kayo mag-stay. Maari din nating isama ang iyong ina para manood ng laro niyo."


"I am sorry honey." sabi ng kanyang mommy. "Hindi ko maiiwan ang Tita dito. Wala siyang kasamang mag-aasikaso sa mga guests sa kabila." Ang tinutukoy nito ay ang large mansion na pinapaupahan nila para sa mga biyahero at turista. Ang Verdant Homes.


"Laro ng anak mo iyon." sansala mg kanyang lola sa sinabi ng mommy niya. "Mayroon naman tayong mga kasamang empleyado na talagang nag-aasikaso sa mga guests. Puwede kang sumama anak para makapanood sa laro ng anak mo."


"Tita, ayokong nagbibiyahe. At napanood naman natin ang championship ni Menard noong District at Provincial Meet. Alam ko hong, ipapanalo niya rin ang CARAA. " his mommy proclaimed. "At hindi ko talaga maiiwan ang Verdant Homes." Tumingin ito sa kanya na may buong pagmamahal. "Menard, naiintindihan mo naman ang mommy kung wala ako sa mga laro mo di ba? I promise you that I'll come and watch you in the Palaro. "


"Ok lang sa akin mommy."


"But be sure to bring home some photographs."


"Yes mommy."


"Ok, ok. " natatawang singit ng kanyang ama. "Let us eat now. Menard, kailangan mo ng maraming sustansiya para sa training niyo. And your mother is an effective cook."


"Yup. I knew that Daddy. As always." Menard replied. Lahat sila ay napatawa bago itinuloy ang pagkain. 

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon