Forever 36

913 76 25
                                        

When Charmaine and Maiden are ready for bed, she received a call from her Dad. Tumingin pa siya sa orasan para masiguro na hindi late ang tawag ng iyon ng ama niya. Normally, an hour before dapat siya tinawagan ni Alden.

"Hello Dad." she answered softly. "How are you?"

"I am not fine." Alden replied. Napansin ni Charmaine ang galit sa boses ng kanyang ama.

"What's wrong Dad?" aniya na medyo kinabahan sa narinig.

"Where are you Charmaine?"

"Dad? We talked before. I told you that we are going to Baguio. And here we are now."

"Don't lie to me Charmaine. I just called your grandma a while ago. Walang dumating sa inyo sa bahay."

Saglit siyang natigilan. Hindi niya naisip ang bagay na iyon. How could she forget na maaari palang tawagan ng ama niya ang kanyang lolo at lola?

"Ah, hindi kami dumiretso sa bahay Dad. Napag-usapan namin nina Maiden na magcheck in kami. If you want you can ask her. Nasa tabi ko siya ngayon."

"Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin Charmaine?" madiin at galit pa rin na sabi sa kanya ni Alden. "At pati si Maiden ay sinasama mo pa sa iyong mga kasinungalingan."

"Dad!" she said, horrified.

"Anong ginagawa mo diyan sa Sagada?"

Nanlaki ang mga mata ni Charmaine. She looked at Maiden, trying to take some answers. Her friend shrugged her shoulders with 'I don't know' formed through her mouth."

"Dad? What are you talking about?"

"Huwag mo pang dagdagan ang mga kasalanan mo. Sinabi sa akin ni Bradley na nasa Sagada kayo."

Mas lalong nagimbal si Charmaine. "How did you know Bradley?!"

"Hindi na importante iyon. Bukas na bukas din, I want you to go back home immediately. Rest well for the night. Bye!"

Binalikan ni Charmaine ang kaibigan na ngayon ay nakatingin sa kanya, naghihintay ng impormasyon.

"Kilala ni Daddy si Bradley." she said, upset.

With mouth agape, Maiden did not blink an eye. "What on earth? How?"

"Hindi ko rin alam." Charmaine answered joining her friends on the bed. "Ang sabi ni Daddy, si Bradley daw ang nagsabi sa kanya kung nasaan tayo. Daddy is very upset right now. Gusto niyang bumalik na tayo sa Metro bukas."

"Maging ako ay nagugulat sa sinasabi mo." wika ni Maiden. "Tara, tanungin natin si Bradley."

Naunang tumayo si Charmaine at mabilis na tinungo ang pintuan. Ngayon ay nagpupuyos na siya sa galit.

Dalawang malalakas na katok ang ginawa ni Charmaine sa room nina Bradley nang magbukas iyon. Isang nagtatakang mukha ni Nichard ang bumungad sa kanila. Nang sila ay masilayan, napalitan ang pagtatakang iyon ng ngiti.

"What can I do for you, ladies?"

Charmaine did not smile back. She pushed Nichard away and made her way inside. "Nasaan si Bradley?"

Si Nichard ay napalayo ng konti sa galit na galit na si Charmaine. He looked at Maiden and asked her through his eyes. Maiden answered him with a sarcastic facial gesture.

"Where's Bradley?" muling tanong ni Charmaine. She started to scan the room with her eyes.

"Nasa verandah." Nichard reply. Nilapitan ito ni Maiden at sinenyasan na huwag nang magsalita.

Si Charmaine naman ay nagmamadaling tinungo ang balcony. Saktong naabutan niya doon si Bradley na katatapos lang makipag-usap sa cellphone nito. Sinugod ito ni Charmaine and pounded his chest with her fists.

"How dare you! How dare you!" mangiyak-ngiyak na sigaw ng dalaga habang sige pa rin sa panununtok sa lalaki.

Si Bradley bagaman nagulat ay hinila si Charmaine papasok sa loob. "What the problem sweetheart?"

"Don't you swertheart me!" sigaw ni Charmaine na napalayo kay Bradley at naupo sa isang kama doon habang umiiyak. "Si Daddy lang ang may karapatan na magtawag niyan sa akin."

"What's wrong?" tanong ni Bradley. The question was meant for Charmaine, Maiden, and Nichard. Only Nichard answered, a shrug with his shoulders.

"Sino ang katawag mo?" Charmaine asked deadly.

"What?" Bradley answered with a glint of laughter in his voice. Nilapitan nito si Charmaine at naupo sa tabi niya. "That was my mother."

"Liar!" Charmaine shrieked. Napatayo siya at lumayo ng konti kay Bradley. "Hanggang kailan mo itatago sa akin na kilala mo ang Daddy ko?"

Biglang natigilan si Bradley at tila naging tuod sa sobrang gulat. On the other hand, Nichard gave out a powerful gasp. Iyon ang napansin ni Charmaine kaya bumaling ito sa lalaki.

"Nichard, may alam ka ba dito?" tanong ni Charmaine na mas lalong nadagdagan ang galit. Hindi kaagad nakasagot ang binata na nagpalipat-lipat lang ng tingin kina Charmaine at Bradley.

"You better have no knowledge about this." Maiden told her boyfriend. Nakapamaywang ito habang naghihintay ng sagot mula sa lalaki.

"Ah." Nichard uttered. "Sorry Charm, wala akong alam dito."

"How did you know my father?" muling tanong ni Charmaine kay Bradley.

"Charmaine." bulong ni Bradley at saka lumapit sa kanya. "I am sorry."

"You did not answer my question. Paano mo nakilala ang Daddy? How long did you know each other?"

"M-matagal ko nang kilala ang Daddy mo."

Mas lalong nagalit si Charmaine sa narinig. "Matagal na pala pero hindi ka man lang nagsasabi sa akin. Halos mabaliw pa ako pag tinatanong ako ni Maiden kung kailan kita ipapakilala kay Daddy. At ang mas masakit, sinabi mo pa kay Daddy kung nasaan tayo ngayon. Hindi mo alam kung ano ang mga reasons ko kaya tayo nandito, Bradley."

"Because you never told me. And Tito Alden asked me kung nasaan tayo. Sinagot ko lang ang tanong niya. Hindi ko alam na dapat pala ay nagsinungaling ako."

"That's it." Charmaine said calmly before outbursting again. "I hate you!"

Nagmamadali itong lumabas sa kuwarto. Bradley tried to follow her pero pinigilan ito ni Maiden. "Leave her for a while Bradley. Ako ang kakausap sa kanya."

Charmaine ran down the stairs. Hindi siya lumingon hanggang sa makalabas siya sa Verdant. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nagulat na lamang siya nang mapansin niyang nakarating siya sa kabilang bahay. Hindi na siya nagdalawang isip pa at kumatok siya doon.

She heard some voices from the inside but too vague for her to understand. Ang natatandaan niya lamang ay ang pagbukas ng pintuan. Bumungad sa kanya ang isang napakabait na mukha which she had been missing for the past years. Para siyang nakaharap ngayon sa isang multo. More tears flowed down from her eyes.

"Mommy!" she cried out. At sinugod ang tao sa pintuan ng isang mainit na yakap.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon