Nagising si Maine sa sakit ng buo niyang katawan. Napabalikwas siya nang bangon nang maalala niya ang nangyari. Si Yumi. Ang lalaking kasama nito. They are planning on killing her. She immediately checked her tummy nang maalala niya ang pagkahulog niya kanina. She released a sigh of relief nang maramdamang walang nangyari sa ipinagbubuntis niya. Isang mahinang pasasalamat ang ibinigay niya sa Diyos.Pinilit niyang tumayo at naglakad sa kabila ng masakit na pangangatawan niya. She did not know where to go. Bahala na, ang mahalaga ay natakasan niya sina Yumi. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon sa mas lalong madaling panahon. Hindi niya alam kung makakaakyat pa siya mula sa pinanggalingan niya kaya pinili niyang magtuloy-tuloy pababa. Baka may mahanap siyang kabahayan.
She ran, she walked towards a direction she did not know. Hindi niya alintana ang sakit ng kanyang katawan. Nang maramdaman niya ang gutom at pagod ay inindiya niya ang mga iyon. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad nang mapansin niyang malapit siya sa highway. Unluckily, wala siyang makitang dumadaan na sasakyan. Nagmamadali siyang bumaba sa kalsada.
Hindi niya din alam kung saang direksiyon siya pupunta. Luminga-linga siya sa paligid. Sa kabila ng takot ay nabuhayan siya ng pag-asa nang makita niya ang isang elf na nakaparada sa hindi kalayuan. Patakbo siyang lumapit doon. Sumampa siya sa likod at umakyat. Punong-puno iyon ng mga sako ng bigas.
Napahiga na lang siya sa sobrang pagod. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Hindi na rin niya naramdaman ang muling pag-andar ng sasakyan. Ang driver nito na bumaba lang para umihi at makapagstretch ng katawan ay hindi napansin ang kanyang pagdating.
*****
Naalimpungatan si Maine nang maramdaman niya ang kakaibang lamig. She opened her eyes at nagulat siya nang mapansing madilim na ang paligid. Nakatigil ang elf na sinakyan niya. Bumaba siya doon at napansin niyang nasa lugar siya na hindi pamilyar sa kanya. Wala na din ang driver ng elf na sinakyan niya.
Luminga-linga siya sa paligid. Napansin niyang may mga kabahayan sa hindi kalayuan. Nakita niya ang isang nakabukas na tindahan. Naisip niyang lumapit doon para humingi ng tulong.
Bago pa man siya makarating doon ay may isang sasakyan na tumigil sa tabi niya. Bumukas ang pintuan ng passenger seat at bumaba doon ang isang lalaki na hula niya ay mas bata sa kanya ng tatlong taon.
"Maine?" gulat na sabi ng lalaki. "Is that really you?"
Tumango lang siya.
"Anong ginagawa mo sa lugar na ito." Tumingin ito sa kanya at napataas ang kilay nang mapansin ang suot niyang halos gutay-gutay na.
"Uhm, I don't know." mahina niyang sagot. "Can you please do me a favor? Makikitawag sana ako. I need to call my husband."
"Sige Miss Maine." nakangising sagot ng lalaki. "Nasa kotse ang phone. Baka gusto mo ring sumabay? Pabalik na kami sa Maynila ngayon."
Nabuhayan siya ng loob. "I would love that. Thank you very much."
Inalalayan pa siya ng lalaki hanggang sa makapasok siya sa loob ng sasakyan. Nagulat pa siya nang tumabi sa kanya ang lalaki sa backseat. Akala niya ay babalik ito sa passenger seat na kinauupuan nito kanina. Hindi na lang siya umimik. Ang driver na lang ang pinasadahan niya ng tingin. Katulad ng una'y parang mas bata rin ito sa kanya ng tatlong taon.
"Look what we have here." makahulugang sabi ng driver bago nito pinatakbo ang sasakyan. Muli, hindi niya na lang pinansin iyon. Sa halip, she asked for a call but unfortunately, wala daw signal ayon sa mga ito.
Tumahimik na lang siya. Mula sa pag-uusap ng dalawa ay nalaman niyang taga Batangas ang mga ito na nagbakasyon sa Sagada. Wala na siyang narinig dahil muli siyang nakatulog.
*****
Nagising si Maine nang maramdaman niya ang mga kamay na humahawak sa hita niya. She stirred violently nang mapansin niyang kamay iyon ng lalaki kanina. He is even starting to kiss her neck. Malakas niya itong itinulak.
"I am so hot right now." usal ng lalaki. "I need to take you." anito na nakatingin sa kanya nang sobrang malisyoso. Narinig niya naman ang halakhak ng driver.
Kinabahan siya nang mapansin niya ang maraming usok sa loob ng kotse. That was when she realized that they are smoking marijuana.
Muling lumapit sa kanya ang lalaki at hinawak-hawakan siya sa hita. Napasigaw siya. Ang lalaki naman sa driver seat ay nagsimulang maghubad ng damit. Muli siyang inatake ng lalaki sa backseat. He cupped her breasts to her horror! Itinulak niya ito ng malakas. Pero malakas talaga ito. He even tore her blouse. Buti na lang ang makapal ang suot niyang panloob.
Nanlaban siya. Nanuntok. Nanipa. At saka mabilis niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at napatakbo siya. Sa dilim ng gabi ay hindi niya napansin na sa bangin na naman ang tungo niya. She was already falling when she realized what she had done. Ang sigaw niya ay nilamon ng gabi.
Tumama ang ulo siya sa isang bato pero hindi siya nawalan ng malay. Nagpanggap siyang patay nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang lalaki. Too much already! Nakatakas siya sa mga plano nina Yumi para patayin siya. At kailangan niya ring takasan ang dalawang lalaking gustong manamantala sa kanya.
She waited. And waited. And waited. Nang marinug niya ang papalayong ugong ng sasakyan ay lihim siyang nagpasalamat. Naghintay siya ng ilang minuto bago siya bumangon at naghanap ng muli niyang mapupuntahan. Kahit masakit ang ulo niya sa pagkabagok ay hindi niya alintana. She walked. And walked. And walked.
Napaiyak na talaga siya sa mga nangyayari sa kanya. She thought of her husband. Of her daughter. Sana man lang makita niya ang mga ito sa huling pagkakataon bago siya mabawian ng buhay. Tears ran down freely from her eyes. She held her tummy and tried to ask what's inside to hang on. Dahil sa gutom, pagod, at sakit ng katawan ay hindi na niya nakayanan. Bigla na lang siyang nawalan ng malay at humandusay sa tabi ng kalsada.
Ang susunod na nangyari ay nagising siya sa isang hindi pamilyar na lugar na hindi niya kilala ang kanyang sarili. That qas when she woke up in the arms of Tita Judith and Harry.
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..