Forever 5

1.2K 82 1
                                    


Pagkatapos ng ilang araw ay hindi na muling napag-usapan nina Alden at ng kanyang anak ang tungkol sa pagmove-on. Ilang beses na ring pumasok si Tracy sa kanyang opisina showing signs again. Natutuwa na lang siya dahil wala ng epekto ang paglalandi nito sa kanya. Kahit anong gawin nito ay kailanman ay hindi na siya naakit. He never had an erection kahit na anong gawin ng babae. Kaya, kadalasan ay lumalabas ito sa kanyang opisina na galit na galit.


Maging siya ay hindi niya rin maintindihan ang nangyayari sa kanya. Katunayan ay natutuwa na rin siya. Wala na rin siyang nararamdamang guilt na tila ay pinagtataksilan niya ang kanyang nasirang asawa. At narealize na rin niya sa kanyang sarili na hindi pa pala siya handa na makapag-asawa muli. Si Maine pa rin ang laman ng kanyang puso't-isipan.


Habang iniisip niya ang masasayang ala-ala ni Maine ay biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Iniluwa nun ang napakaganda niyang anak.


"Good afternoon Daddy." masigla nitong bati sa kanya at basta na lang sumalampak ng upo sa couch sa loob.


"Good afternoon too sweetheart. What made you come here?"


"Magpapaalam sana ako." sagot nito na inilibot ang paningin sa loob. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. She was looking for some signs of Daddy's nasty 'behind the back' actions. Palagi nitong ginagawa iyon.


"Para saan?"


"Magbabakasyon sana kami sa Baguio Dad. Kasama ko si Maiden."


Umangat ang kuryusidad sa kanyang isip. Ngayon lang ito sinabi ni Charmaine. Ilang taon din silang hindi nakakapunta doon. "Kailan?"


"Ngayon din. I already packed my things. Sumaglit lang ako dito para magpaalam sa inyo."


Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ng kanyang anak. Matagal pala itong nagplano na hindi man lang siya sinabihan. "That soon?"


"Yes Dad. I'm sorry. Pero nakausap ko na rin sina Lolo at Lola. They will be fetching us at the terminal."


"Mapipigilan pa ba kita? Matagal mo na pala itong gusto pero hindi mo man lang sinabi sa akin. Bueno, papayagan ko kayo sa isang kundisyon."


"Ano yun Dad?"


"Hayaan niyong si Gener na ang maghahatid sa inyo doon. Use the family car. Matatanda na sina Mama't Papa para pagpuyatin niyo pa sa paghihintay sa terminal doon. Gabing-gabi na kung marating niyo ang Baguio pag nagbiyahe na kayo. Sa kabilang banda, hindi pa puwedeng maipagbukas muna ang biyahe?"


"No Daddy." pinal na wika ni Charmaine. "Nakapagpaalam na si Maiden kina Tita Robelyn. Maya-maya ay nasa bahay na iyon."


"Ok. Tatawag ako kay Gener para sabihing siya na ang maghahatid sa inyo."


"Sige po Dad. Salamat."


"And be good girl."

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon