Forever 34

1K 68 9
                                    


Hindi mapigilan ni Charmaine ang sariling mapangiti nang matunghayan niya ang kanyang daddy. Kalagitnaan ng gabi, she sneaked towards his father's room like she used to do. Alden is sleeping very soundly like a baby. Napakapayapa nito na tila walang problema. Buti na lang at pinigilan ni Charmaine ang sariling mayakap ito.


Biglang nawala ang mga gatla sa noo nito na noon ay hindi nawawala dahil pagdadalamhati sa pagkawala ni Maine. Parang bumabata muli ang ama niya. She believed that there is someone behind these changes on her father. Whoever that person is, she is very thankful. Really thankful. Yun nga lang ay kailangan niya munang malaman kung sino ang taong iyon.


Habang pinapanood niya ang ama sa pagtulog ay unti-unti niyang napapansin na bigla itong napapangiti. Nagdududa tuloy siya kung nakatulog nga ito. She waved her hand in front of his face. Hindi man lang nagreact ito. Nakatulog nga talaga. Naging curious siya tuloy kung ano ang nangyayari dito at basta na lang napapangiti.


Naalala pa niya noon. Kung pinapasok niya ang kuwarto nito ay mga luha ang nakikita niya sa mukha ng ama. Ngayon ay wala na ang mga iyon. At iyon nga napapalitan na ang mga iyon ng ngiti.


She stayed there. Gusto niyong masaksihan ang lahat ng nangyayari kay Alden. The next thing that happened shocked her more. Slowly, Alden is whispering. Napakahina nun kaya hindi niya naintindihan. Then, another whisper escaped from his father's mouth. Muli, hindi niya naintindihan iyon. Habang unti-unti iyong lumalakas.


"K-kerry."


Kerry? Who is Kerry? Sigaw ng isip ni Charmaine nang marinig niya ang binibigkas ng kanyang ama. Bigla siyang kinabahan.


"K-kerry Anne." ulit ni Alden.


Kerry Anne? So, may babae nga talaga ito. And Charmaine is certain, maybe ang Kerry Anne nga talaga iyon.


Nang uliting bigkasin ni Alden ang pangalang iyon ay dahan-dahang umalis si Charmaine sa kuwarto ng ama niya. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa Kerry Anne na iyon.


*****


Wala ng nakapigil pa sa plano ni Charmaine. Pagkarating na pagkarating ng bakasyon nila ay nagsimula na silang nagbiyahe papuntang Sagada. Hindi na sila dumaan ng Baguio. Taliwas iyon sa sinabi niya sa kanyang Daddy nanag magpaalam siya dito.


"Sure ka ba sa plano mong ito?" tanong pa sa kanya ni Maiden habang nasa sasakyan sila. They are using Nichard's car. Ito na rin ang nagmamaneho ng kotse.


"I am very sure Maiden." matatag na sagot niya kaibigan.


"Paano kung nagkakamali ka lang? Paano kung nanaginip lang talaga ang Daddy mo at ang Kerry Anne na iyon ay bunga lamang ng panaginip niya."


"Is that even possible?"


"Of course, the mind is very powerful. It can conceive anything it wants to conceive."


"Basta. Naniniwal ako na hindi lang bunga iyon ng imahinasyon o panaginip ni Daddy. Ilang beses nga niyang inulit ang 'Kerry Anne' na iyon habang nakatulog siya." defensive na wika niya kay Maiden.


"Ok. As you say. Pero paano naman kung hindi naman talaga sa Sagada ang babaeng iyon?"


"Hay naku! Andami mo naming hanash." aniya. "Suportahan mo na lang ako ok?"


"Ok!" mabilis na sang-ayon nito. Napasandal ito sa upuan at saka napatingin sa harapan then looked at her again.


"What about him?" Maiden asked habang nakanguso ito sa lalaking nakaupo sa passenger seat.


"Why? What's with him?"


"I mean, kailan mo sasabihin kay Tito Alden na may boyfriend ka na?"


Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. She's right. She has a boyfriend already. Mahigit isang buwan na sila ni Bradley pero hindi pa niya inaamin iyon sa ama niya. Anyway, si Bradley ay katropa din ni Nichard kaya medyo matagal na rin niya itong kilala.


"I will tell Dad pagbalik natin." she said to dismiss the topic.


"Be sure to do it. Para hindi magalit sa iyo si Tito. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang pinakamamahal niyang prinsesa."


"Ok Maiden. I get it. Huwag kang mag-alala."


*****


Mataas pa ang araw nang marating nila ang Sagada. Sa pagtanong-tanong nila ay nahanap nila ang Verdant Homes. Buti na lang at may bakante pang mga kuwarto kaya hindi na nila kailangang humanap pa ng ibang matutuluyan kahit na hindi sila nagpareserve.


"Ang ganda naman dito." komento ni Maiden habang nakaupo sila sa waiting lounge para maasikaso ang gagamitin nilang mga kuwarto.


Maging si Charmaine ay namangha sa Verdant. Parang resthouse iyon sa highlands ng New Zealand. Sobrang relaxing ng lugar. Hindi na siya magtataka pa kung muling sabihin ng Daddy niya na magical ang lugar na iyon. Sina Bradley naman at Nichard ay tahimik lang din na namamangha.


Ilang sandali lang ay hinatid sila sa magiging kuwarto nila sa second floor. Dalawang kuwarto ang kinuha nila. She and Maiden will share in one room. Bradley and Nichard will use the other one. Sinabihan silang magpahinga muna o gawin ang gusto nilang gawin. Ipapatawag na lang daw sila pag kainan na ng dinner. Dahil pagod na rin sila sa biyahe, they choose the first option.


*****


"May bago ba tayong guest?" tanong ni Kerry Anne kina Venus at Robert nang mapansin niya ang sasakyan na nakaparada sa labas.


"Meron po ma'am." nakangiting sagot ni Venus. "Mga kabataan galing Kamaynilaan."


"Nagsisidatingan na ang mga bakasyunista." mungkahi ni Kerry Anne. "Buti na lang at may bakante pa tayong kuwarto para sa kanila. Ilan ang silang lahat?"


"Apat po." Wika ni Robert. "Dalawa pong babae at saka dalawa ring lalaki."


"Sige. Siguraduhin niyang maibigay niyo ang kakailanganin nila. Si Tita Judith na ang maghahanda ng hapunan para sa mga guest. May pupuntahan kasi kami ni Menard. Baka gabi na kami makabalik."


"Sige po ma'am. Mag-iingat po kayo."


"Sige. Maraming salamat."

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon