Kinabukasan, tinanghali ng gising si Alden. He already missed the breakfast. That was the least of his concern. Halos mag-uumaga na kasi nang magawa niyang makatulog. Buong magdamag niyang naalala ang nangyari sa pagitan nila ni Kerry Anne. Kahit anong iwas niya na huwag ikumpara ito sa kanyang asawa ay hindi niya magawa. And his comparisons are nonsense because in the end, he always finds out na wala dapat na ikompara. Kerry Anne and Maine are exactly alike. Yun nga lang, malaki ang resistance na nararamdaman niya sa tuwing lumalapit siya babae.
Bumaba na lang siya sa ground floor at muling nakipagkuwentuhan sa mga staffs tulad ng dati niyang ginagawa. Muli, tinanong siya ng mga ito kung bakit tila wala siyang balak na maglibot sa buong Sagada. He just gave his clever alibis. Ayaw niyang aminin na si Kerry Anne ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi niya magawang umalis-alis sa Verdant.
Nagpaalam siya sa mga bago niyang mga kaibigan at napadpad siya sa tabi ng swimming pool. Mataas na ang araw. Dahil malamig sa pagkakataong iyon ay naupo siya nandoong duyan at nagpainit. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng boses. Ng kumakantang boses. Awtomatikong napangiti siya nang makita si Kerry Anne na nagdidilig ng mga nakapasong mga halaman sa malayong gilid ng pool. Kumakanta-kanta ito habang maingat na pinapaliguan ang mga halaman.
Hindi siya umimik. Nanatili niya itong pinapanood. Her sexy back is exposed to him kaya hindi niya mapigilang hangaan ang kaseksihan nito. Again, the tightening of his pants is inevitable. Hinayaan niya lamang ang kanyang sarili na magsawa sa panood dito. Yun nga lang, hindi pala siya nagsasawa. Halos mapaungol siya nang mapansing natapos ito sa ginagawa nito. Umalis na ito at lumipat sa kabilang bahay.
Gusto niya itong makausap at makasama sa araw na iyon kaya nagpumilit siyang mag-isip kung ano ang maari niyang gawin para makausap ito. Mabilis na gumana ang kanyang utak. Naalala niya kung ano ang nangyari kagabi. Maybe, he would apologize. Baka totoohanin kasi nito ang sinabing hindi na makikipag-usap sa kanya.
Mabilis siyang tumayo. He smiled and followed Kerry Anne. Kakatok sana siya sa nakapinid na pinto pero nauna iyong bumukas. Ang nakangiting mukha ni Tita Judith ang bumungad sa kanya. "Good morning!" masigla nitong bati.
"Good morning din po."
"Wala ka kaninang umagahan." wika nito. "Pasok ka. Nasa loob si Kerry Anne sabihin mong maghahanda siya ng iyong makakain. Pupunta muna ako sa kabila at may aayusin lang ako."
Napangiti siya. Lihim siyang nagpasalamat at binigyan siya ng dahilam mg matanda para makita si Kerry Anne. "Sige po. Marami pong salamat."
Nagpaalam na ito at saka umalis. Siya naman ay mabilis na nakapasok sa kabahayan. Dumiretso siya sa kusina. Nadatnan niya doon ang taong kanyang hinahanap. Naghuhugas ito ng kamay. He leaned on the door frame and watched her from there.
Nang matapos ang babae ay saka ito napalingon sa kanya. Nakita niya kung gaano ito nabigla nang siya ay masilayan. Napaayos siya ng tayo at umalis sa pagkakasandal. "Pasensoya na kung nagulat kita."
Kerry Anne nodded then she said softly. "Anong maipaglilingkod sa iyo Mr. Richards?"
He cleared his throat. "Ah, I missed the breakfast a while ago. Tita Judith saw me and told me to come and ask a breakfast from you."
Muli itong tumango na tila robot sa paraan nito ng paggalaw. "Maupo na lang po kayo Sir at ako na ang bahala sa pagkain niyo."
Napilitan siyang lumapit sa dining table. Hinila niya upuan saka umupo at pinanood ang babae. Kumuha ng plato, kutsara at tinidor ang babae at iyon ang unang inilapag sa kanyang harap. Medyo napangiti siya aa nangyayari. He feels like a king and this woman is her slave na handang gawin ang lahat para sa kanya. Paano kayo kung hindi dining room ang kanilang kinaroroonan? Ano kayang ipapagawa niya dito?
Nawala ang kung anu-anong pumasok sa isip niya nang muling ilapag ni Kerry Anne sa mesa ang kanin at ulam. "Enjoy your food Mr. Richards. Tawagin niyo lang po ako pag may kailangan pa ako."
Akma itong aalis pero nagawa niyang mahagip ang kamay nito. Gulat na napalingon sa kanya ang babae.
"Can you at least stay? Hindi kasi ako sanay na kumain mag-isa." Of course, it is not true. Sinabi niya lang iyon para hindi ito umalis sa kanyang paningin.
"Tapos na akong kumain." matabang nitong wika.
Pinalawalan niya ang kamay ni Kerry Anne. Ang buong akala niya ay aalis na ito pero hinili nito ang upuan na malayo sa kanya at saka naupo. Lihim siyang nagbunyi. Ngayon ay ginanahan siya talaga na kumain. Kerry Anne remained silent for the whole time. Tila wala talaga itong balak ma kausapin siya. Maging siya ay hindi rin alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap dito.
"Masarap itong luto mo." Yun lang ang nagawa niyang sabihin at saka nagsubo ng pagkain. Hindi niya hiniwalayan ng tingin si Kerry Anne na tila walang balak na kausapin siya. Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain.
Patapos na siya saka lang tumayo si Kerry Anne at nagsalin ng tubig sa isang baso saka iniabot sa kanya. Hindi inaasahan ang pagdaiti ng kanilang mga palad. Pareho silang natigilan at at napatitig na lang sa isa't-isa. They are like that for a moment Alden does not know how long. Si Kerry Anne ang unang nagbawi ng tingin. Siya naman ay biglang nailang at inisang lagok ang tubig mula sa baso.
Tahimik na kinuha ni Kerry Anne ang kanyang mga pinagkainan at dumiretso sa lababo. Nagsimla nitong hugasan ang mga iyon. Siya naman ay napatayo at sinundan ang babae. Tumigil siya sa likuran nito at saka ibinaba ang baso na katatapos lang niyang gamitin. Kerry was stunned. She never expected him to go that close to her. Halos mayakap na ito ni Alden Richards!
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..
