Si Kerry Anne ay nagising na nahihilo. Masakit ang ulo niya and she felt a severe grogginess. Inilibot niya ang paningin at napansin niyang nasa loob pa din siya ng kotse. May panyong nakatakip sa bibig niya. She moved her arms only to find out that they are tied.
Muli siyang luminga. Wala siyang nakitang tao sa sasakyan. Mag-isa lang siya doon. Muling nagbalik sa ala-ala niya ang mga nangyari.
She found out that they are going a different road. Tumahimik lamang siya baka may ibang alam na daanan si Yumi. Bigla siyang kinabahan nang mapansin niyang lumalayo na sila sa lungsod.
"Yumi." tawag niya sa babae.
Hindi ito sumagot mas pinabilis pa nito ang pagpatakbo ng sasakyan. Tila gigil na gigil ito habang nakahawak sa manibela.
"Yumi." she said again. "Ibang daan na itong pinupuntahan natin."
"Shut up!" malakas na sigaw ni Yumi.
"Ibaba mo ako ngayon din." aniya na nainis na rin sa babae. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
Biglang tumigil ito sa gilid ng kalsada. Nilingon siya nito. Napansin niya ang nanlilisik na mga mata nito. "Tumahimik ka diyan at huwag na huwag mong subukang bumaba ng sasakyan."
Inilabas nito ang isang baril mula sa shoulder bag nito na ikinagulat niya. Itinutok nito iyon sa ulo niya. "Give me your phone."
Sa nanginginig na kamay ay ibinigay niya dito ang hinihingi nito. Napangisi si Yumi at inagaw ang cellphone. "Manahimik ka lang diyan. May gagawin muna ako."
Ibinagsak nito ang baril sa passenger seat at saka bumaba ng sasakyan. Napansin niyang ibinato ni Yumi ang cellphone niya sa imburnal. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin.
Maya-maya ay biglang bumukas ang driver side at pumasok doon ang isang lalaki.
"Hello there." came the voice of the new stranger. "Nagkita tayo muli."
Nang mapatingin siya sa rearview mirror ay naaninag niya ang pagmumukha nito. It was the same man as the one who wanted to kill her in Sagada. Natahimik siya sa sobrang takot. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Nang mapatingin siya sa labas ay mas lalo siyang naguluhan. May kausap at kasama na doon si Yumi. And the man that she is talking with is very familiar. It was Bradley. Mas lalo siyang kinabahan. Hindi niya alam kung ano amg ugnayan ng mga tao ito sa isa't-isa.
Napansin niyang natapos ang pag-uusap nina Yumi at Bradley. Umalis lang ang lalaki. Si Yumi ay bumalik sa sasakyan. Kinuha nito ang baril sa passenger seat at naupo doon.
"Anong ibig sabihin nito Yumi?" nangahas niyang taningin.
"Oh! You know what these means Maine!" Yumi remarked sarcastically. Sinenyasan nito ang driver na magpatuloy sa pagdrive. "Oh! Sorry, hindi ka pala si Maine. Ikaw pala si Kerry Anne ngayon."
Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Tumahimik lamang siya nang magsimulang magkuwento ito. Napansin niya rin na palabas na sila ng Baguio. Ang phobia niya sa mahabang biyahe ay tila nawala dahil sa takot niya sa maaring gawin ng dalawa sa kanya.
"Akin lamang si Alden." gigil na gigil na sabi ni Yumi. Hindi na nakikita ni Kerry Anne ang dating Yumi na ipinakilala sa kanila ni Alden. Ang nakikita niya ngayon ay tila isang mabangis na hayop. Isang babaeng tila nawala amg katinuan. "We were happy then. I love him and she loves me too. Pero palagi kang meron na umi-eksena. Ang gusto mo ay sa iyo lahat ng atensiyon niya!"
"I don't know what you are talking about." sabi ni Kerry Anne. She is trying to calm herself. Pinapatatag niya ang sarili niya.
"Oh! Can't you get it? I am talking about Maine here!" singhal sa kanya ni Yumi. "It is all about her! Inagaw niya sa akin sa Alden. Alam kong mahal na mahal ako ni Alden pero nandoon siya palagi na umi-eksena. Siya pa ang pinakasalan. When they got married, Maine prohibited him on seeing me. Inangkin niya ang mahal ko. Kaya ko siya pinatay!"
Napansin niyang umiiyak si Yumi na tila ito ang naagrabyado. Natatakot siya habang nakikita niya ito, she is like an insane woman.
"Akala ko magiging akin na siya. Pero may nakialam na naman." poot na poot na sabi ni Yumi. "Tracy started her moves to Alden at inagaw niya sa akin ang mahal ko. Hindi ko na siya nakayanan kaya pinatay ko siya. And there's Bea too. Baka akala niya maagaw niya Alden. Buti nga sa kanya, ayun nakakulong."
Tumingin sa kanya si Yumi at napangisi. "Akala ko na naman magiging akin na si Alden ng buong-buo pero bigla kang dumating at umeksena! You wanted to take him away from me. I sent him to Sagada to kill you pero napakabobo niya kaya siya ang nahuli. Hindi pa niya sinabi na kamukha mo si Maine kaya nagulat ako nang makita kita." anito na ang tinutukoy ay ang driver nila. "Alam kong ikaw at si Maine ay iisa. Wala ka ng kawala ngayon. Babalik tayo sa simula. Sa simula kung saan, mamatay ka na naman." Humalakhak ito. Sinabayan ito ng lalaking kasama nila.
Napansin niyang may inilabas na panyo si Yumi. Bumaling ito sa kanya. Inilapat nito ang panyo sa mukha niya. She smelled something bago siya nawalan ng malay.
Para siyang nagising nang maalala niya ang lahat ng nangyari. Muli siyang luminga sa loob, wala talagang tao. Tumingin siya sa labas at hindi niya kabisado kung nasaan sila. Madilim pa ang paligid.
Gamit ang nakataling mga kamay ay hinawakan niya ang handle ng pintuan ng sasakyan. She pulled it. It clicked. Mabilis niyang binuksan iyon at dahan-dahang lumabas ng sasakyan. Walang tao sa paligid. They are in the middle of nowhere. Nagsimula siyang tumakbo. Walang mga ilaw sa paligid. Dumiretso siya sa pagtakbo. Hindi niya napansin na bangin pala ang tinatahak niya. It was too late when she realized that. Nahulog siya. Naramdaman niya ang pagtama ng ulo niya sa isang matigas na bagay bago siya nawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/80792914-288-k888383.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..