Forever 53

1K 73 14
                                    

Everything is starting to go back to normal once again. Nabawasan na ang mga trabaho at mga alalahanin ni Alden. With Bea in prison, wala na silang dapat pangambahan pa. Nakakausap niya din si Harry sa telepono para kumustahin sina Kerry Anne at Menard. Ayos pa naman daw ang mga ito. Nasa Baguio pa rin sina Kerry Anne at Menard. Mukhang matatagalan na mag-stay doon si Kerry Anne dahil hindi pa ito nakakarecover sa biglaan na biyahe nito pabaguio kasama si Menard. They need to wait for her stability at mabawasan ang phobia nito bago magbiyahe pabalik ng Sagada.


Ang katotoohanang si Maine at Kerry Anne ay iisa ay sina Alden, Harry, Tita Judith at Kerry Anne lang ang nakakaalam. But Kerry Anne has doubts still. Hindi pa sinabi ni Alden sa anak niya ang katotohan. He wanted to settle all things before he will tell Charmaine everything. Lalo na ngayon at pinili ni Kerry Anne na manatili sa poder ni Harry. A decision Kerry Anne made that torn Alden's heart into thousands of pieces. And he respected her decision.


Nagsisimula rin namang mag-stabilize ang puso niya. Harry assured him that the man is working on his divorce with Kerry Anne. Paunti-unti lamang because they do not want to bother Kerry Anne and Menard. Ayaw nilang may panibago na namang traumang aatake sa mag-ina.


Thankfully, may opportunity si Alden na makita sina Kerry Anne at Menard. May three-day conference kasi siya sa Baguio. Though, it is purely business, he is still excited. He even secured two rooms from Harry's hotel para sa kanya at kay Yumi, his acting secretary. Ayaw niyang umuwi sa bahay nila, gusto niyang magcheck in sa hotel para may pagkakataon siyang makita sina Kerry Anne at Menard na parehong, missed na missed niya.


****


Araw-araw ay umaasa si Bea na dumating si Bianca para bisitahin siya. She is hoping na sana nakausap nito ni Alden. She wanted to talk to her. Alam niya kasing si Bianca lang ang maniniwala sa kanya at makakaintindi. Masakit ang loob niya na isa si Yumi ang nagkanulo sa kanya. Well, she expected that of Yumi. Sa pagkamahinhin at honesty nito ay baka sumagot lang ito sa mga tanong tungkol sa kanya. Then, there's Alden, mas masakit ang loob niya sa mga ibinibintang nito. Kaya kailangan niyang makausap si Bianca at maglabas ng kanyang saloobin bago pa man siya mabaliw. Bianca was the only one who knew her friendship with Maine. Na hindi niya magagawa ang mga bintang ni Alden.


Sa kabila ng paghihintay niya, ay muling nagbalik sa isip niya ang isang  violet na card na nakita niya sa mga cards na ibinagsak noon ni Alden sa harapan niya. Alam niyang nakita na niya iyon dati. The card is very familiar. Hindi nga lang niya maalala kung nasaan niya iyon nakita. Sumakit lang ang ulo niya sa kaiisip.


Then he tried to recall baka siya ang nagbigay ng card na iyon kay Alden. Pero mas lalong sumakit ang ulo niya dahil kailanman ay wala siyang binagay na ganoon sa lalaki. Muling nagbalik ang galit sa puso niya. Makakalabas lang siya doon, babawi siya. Talagang babawi siya!

*****


Alden already met Kerry Anne, Menard, and Harry again. Sumalubong ang mga ito sa pagdating nila sa hotel sa Camp John Hay. He even introduced Yumi to them na malugod ding tinanggap ng 'pamilya'. Gulat na gulat ang babae nang makita si Kerry Anne. Yumi was bewildered for the fact that Maine and Kerry Anne are exactly alike. Alam ni Alden na marami itong gustong tanungin but chose to keep s              ilent. Sobrang mahiyain kasi.


Harry was kind enough to offer them dinner pagkatapos nilang mag-unload ng mga gamit. Kinuha na rin ni Alden ang nalalabing oras na ilibot si Menard sa Camp John Hay. Gusto niya rin sanang sumama si Kerry Anne pero naunang tumanggi ang babae. At si Yumi din ay naunang umakyat sa hotel room nito dahil napagod ito sa biyahe.


Habang nag-iikot sila ni Menard ay ang kabataan at ang pagpapalaki sa huli ang naging sentro ng usapan nila. As much as possible, Alden wanted to know all the things that are related to this boy. He believed that Menard is his own flesh and blood. Although, kay Maine sana dapat manggagaling ang confirmation kung magbalik ang ala-ala nito. Alden can't wait for that anymore kaya ngayon pa lamang ay gusto na niyang angkinin si Menard bilang isang anak niya talaga. The bond between them is undeniably strong.


'Tito' pa rin ang tawag sa kanya ni Menard. He longs for the moment na matawag din siya nitong 'Daddy'. But he needs to wait. Gusto niyang dahan-dahan muna ang lahat para hindi mabigla ang bata. Lalo na sa ngayon at wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari. He is still very young to take all these things.


Ilang beses na ring nakausap ni Alden si Tita Judith over the phone. Nakikiusap sa kanya ang matanda n asana kung maging stable na ang lahat, hindi niya ilalayo sina Kerry Anne at Menard dito. They all became Tita Judith's family. And of course, he assured the old woman that Kerry Anne and Menard will always be her family as well.


Habang naglalakad sina Alden at Menard ay tumunog ang cellphone niya. It was his daughter. Masaya niyang sinagot iyon. Sinabi niya na kasama niya si Menard. Charmaine was too happy enough to say na ipakausap niya ito kay Menard. At nag-usap nga ang dalawa. The conversation went too long that it almost made Alden cry. There is no doubt, magkapatid nga ang mga ito. Even Menard's name. It is screaming as his. Para sa kanya pinaikling Maine+Alden+Richards iyon.


*****


Natapos din ang business conference ni Alden pero gusto pa niyang makasama si Menard ng matagal at masilayan si Kerry Anne araw-araw. Hindi pa niya kasi nakakausap ang babae ng maayos dahil tila umiilag ito sa kanya. Humahanap pa siya ng tiyempo  na mapag-isa sila at makausap ito ng masinsinan. He really missed her in his arms.


Alden decided to stay longer. Si Yumi ay nagpaalam na mas maunang lumuwas. May iba din kasi itong trabaho sa kompanya. Kahit na hinikayat ito ni Alden na magstay ng konti ay nagdecline ito politely.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon