Hindi matahimik si Alden pagkatapos niyang basahin ang report na ipinasa sa kanya ng isang private investigator na binayaran niya. Hindi siya nakuntento sa mga nalaman niya. Ayon sa imbestigador, hindi daw successful ang investigation and it's true. Walang substance ang laman ng report. It does not contain any fact na magsasabi na sina Kerry Anne at Maine ay iisa. Ayon sa imbestigador, Kerry Anne was Harry's long-time girlfriend bago nito naging asawa ang babae. Ikinasal ang mga ito sa Nashville, Tennessee. But before that, iniuwi ni Harry Kendrick si Kerry Anne sa Sagada, days after his wife's death. Ito ang isang useful na information na nakuha niya sa report.
Aside from that, wala na siyang makitang iba pang relevant information. After the marriage of the two, umuwi din ang mga ito sa Pilipinas. Buntis na si Kerry Anne nang bumalik ang mga ito sa Sagada. Doon ipinanganak ni Kerry Anne si Menard at pinalaki. Base din sa report, Kerry Anne's maiden name is Rimando. Wala na itong iba pang kapamilya at hindi matrace kung saang lugar ito nanggaling. Hindi na ito palalabas ng Sagada dahil may takot ito sa pagbibiyahe. That's all. Dead end!
Kinusot niya ang investigation report at itinapon sa basurahan. Ikatlong investigator na iyon at pare-pareho ang findings ng mga ito. He wanted to ask Harry himself o kaya'y si Tita Judith. But he has reputation to protect baka magtaka lang ang mga ito sa biglaan niyang pagtatanong. Ayon na rin sa pakikitungo ni Kerry Anne sa kanya ay parang nakaimposibleng ito ang kanyang asawa.
Isinandal niya ang ulo sa upuan at muling sinariwa ang moments nila ni Maine. Halos maiyak siya sap ag-iisip ng asawa niya. He really missed her.
*****
Si Bea ay pumunta sa opisina ni Tracy para sunduin si Yumi. Kasama niya itong kakain ng lunch. Baka pinagtatrabaho pa ito ni Tracy kasi hindi pa ito nagtetext sa kanya eh kanina pa niya ito hinihintay. Saktong nakarating na siya doon nang makita niya ang kaibigan na naghahanda para umalis. Tatawagin niya sana ito nang bumukas ang pintuan sa tabi nito. Lumabas doon si Tracy na galit na galit nang siya ay makita.
"What the hell are you doing here?" galit na sita nito sa kanya.
"Sinusundo ko si Yumi. Bakit masama ba?"
"Bea." Yumi warned her nang mapansin nito ang magaspang nitong pakikitungo kay Tracy.
"Sinusundo si Yumi o minamatyagan ako."
"Are you sick? Bakit naman kita pagmamatyagan?"
"Alam ko at alam mo kung bakit. Hay naku! Maiwan na nga kita at nang maaya ko si Alden para maglunch."
Nagpupuyos ang kalooban ni Bea sa sobrang galit nang makaalis si Tracy.
"Easy ka lang bes." Wika ni Yumi. "Ano bang nangyari at galit nag alit na naman kayo sa isa't-isa?"
"Aba! Tanungin mo ang malandi mong boss na iyan. Alam mo bang nadatnan ko siya kaninang umaga sa office ni Sir Alden. At ang lintang iyan, hinahalikan ang boss ko. Ang kapal niya talaga. Ang sarap patayin."
"Hay naku. Hayaan mon a iyang si Ma'am Tracy. Tara na nga kumain para naman mabawasan ang init ng ulo mo."
"Mabuti nga."
*****
Mula sa ginagawang cross-stitch ay napaangat ang tingin ni Kerry Anne sa anak niyang tumatakbong papunta sa kinaroroonan niya. Excited itong lumapit sa kanyang kinauupuan.
"Mommy! Mommy!" anito na tila tuwang-tuwa. "Nasa pool sina Ate Charmaine. They are asking me to join them. Ok lang po ba na makilangoy ako sa kanila."
"Of course, you can sweetie." mabait niyang sagot. "Magpalit ka ng damit mo. I will join you there. Doon ko na itutuloy ang itong ginagawa ko."
"Sige po mommy." Kung gaano ito kabilis na dumataing ay ganoon din ito kabilis nawala sa kanyang paningin. Napapailing na lang niyang itinuloy ang ginagawa habang hinihintay niya ito.
Ilang sandali lang ay narinig niya ang ingay nito sa pagbaba ng hagdanan. "Mommy! Are you ready. Let's go."
Napapangiti siyang tumayo at nilapitan ang anak na nakasilip sa kanya sa puno ng hagdanan. "I'm coming."
Kinilig siya nang makita niya ang anak na nakasuot lang ng black swim shorts. He looked so cute habang may nakasukbit na tuwalya sa balikat nito. Parang kalian lang, ang liit-liit nito. Ngayon, Menard is all grown up. Nagsimula na ring maglabasan ang mga muscles nito sa katawan sa kabila ng batang edad. "God! You are so handsome Menard."
"Mommy!" Menard uttered in a half-disgusted-half-ashamed voce.
"Ito naman hindi na mabiro. Tara na nga." Kinuha niya ang tuwalya nito at siya na ang naghawak.
"Let's go!"
Pagdating nila sa pool ay mabilis na tumalon si Menard sa tubig.
"Menard careful!" she exclaimed while she is nearing the poolside. Ang magkakaibigan na masayang naglalaro sa pool ay natigilan at tumingin lahat sa kanya. They greeted her and she did the same. Afterwards, ang anak niya ang binalingan ng mga ito ng atensiyon.
She approached an empty hammock and lied down. Itinuloy niya ang paggawa ng cross-stitch habang pinapanood niya ang mga nasa pool. Masaya siya at napansin niyang giliw na giliw sina Charmaine at mga kaibigan nito kay Menard. They continued to play kasama ang anak niya. Masaya lang siyang nanonood.
Then out of a sudden may napansin siyang kakaiba kay Bradley. Bigla siyang kinabahan. Kumabog ang dibdib niya tulad nung nangyari sa kanya noong una niya itong nakita. May pamilyar siyang napansin sa likod ng lalaki. May malaki itong balat sa likod. Nakita na niya ang balat na iyon. Hindi nga siya nagkakamali nang sabihin niyang pamilyar ito sa kanya. Somehow, may pag-asang nagsimulang umusbong sa kanyang puso.
Maya-maya ay saglit na tumigil ang mga ito at gumilid sa pool malapit sa kinaroroonan niya. Charmaine started a conversation, telling her how beautiful their place is. Sinang-ayunan naman iyon ng mga kaibigan nito hanggang sa mawalan sila ng mapag-usapan. Bumalik din ang mga ito sa paglalaro sa pool.
Nawili na siya sa panonood sa mga ito kaya itinabi na lang ang cross-stitch na ginagawa niya. Most of the time, ang atensiyon niya ay nakapokos kina Menard at Charmaine. May kakaiba siyang napapansin sa dalawa. Ang bond na nakikita niya sa mga ito ay napakalakas. Hindi ordinaryo. The two are like siblings. At malaki ang resemblance ng dalawa. Hindi niya maikakaila iyon. At that moment, mas lalo siyang nagduda sa pagkatao niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/80792914-288-k888383.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
Fiksi PenggemarThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..