Forever 49

1K 70 15
                                    

Nahuli naman sa Sagada ang taong nagtatangka sa buhay ni Kerry Anne. Fortunately, hindi pala alam nung estranghero na tumakbo ang mag-ina. And Tita Judith is very clever. Maaga pa lang ay nagpapunta siya ng mga pulis doon sa loob ng bahay without the intruder's knowledge. Nang pumasok ito kinagabihan sa bahay ay nagulat na lang ito nang madatnan ang mga pulis. Hindi na ito nakapanlaban at agad na nahuli. Narecover mula dito ang ilang unlicensed na mga baril at mga patalim.


Kaninang umaga lang ay nakatanggap si Tita Judith ng tawag mula sa kapulisan na umamin na daw iyong salarin. Sinabi daw nito na may isang Bea dela Cruz ang gustong magpapatay kay Kerry Anne. Hindi pa alam ng mga ito kung sino ang Bea dela Cruz na tinutukoy ng lalaki. Mamaya ay itatawag niya ito kay Alden para sabihin ang nangyari.


For the mean time, tutulong muna siya sa kanilang staff na maglinis sa Verdant. Nagsimula na ang mga ito nang dumating siya doon.


"Nakuha niyo na ba ang mga lumang diyaryo na pamunas sa mga salamin."


"Opo." sagot ni Robert at tinuro ang mga diyaryo sa sahig.


Ipinagpatuloy lang ng mga ito ginagawa. Siya naman ay lumapit sa kinalalagyan ng mga newspaper at nagsimulang tumulong sa pagpupunas ng mga salaming bintana.


Habang kumukuha siya ng diyaryo ay napansin niya ang isang lumang diyaryo na may mukha si Kerry Anne. Hinugot niya iyon at kinabahan sa nakitang titulo ng article. FAMOUS STAR MAINE MENDOZA, DEAD IN A ROAD ACCIDENT.


Hawak-hawak ang newspaper ay nagmamadali siyang bumalik sa kabilang bahay. Binasa niya ang date ng article at mas lalo siyang kinabahan nang malamang ilang araw iyon bago nila madatnan si Kerry Anne noon ni Harry. Mabilis niyang nabasa ang article. Iisa lang ang naintindihan niya. Kerry and Maine are just one person. Maling-mali ang nakita niya sa balita na namatay si Maine dahil nakita nila ito noon sa gilid ng kalsada na walang malay. Ang ipinagtataka lang niya ay sa Pampanga nangyari ang aksidente pero nadatnan nila si Maine sa kalsada paakyat ng Sagada. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. Maybe, si Kerry Anne lang ang makakapagsabi ng mga nangyari kung babalik ang ala-ala nito.


Maraming taon ang nasayang. Ilang taong nawala si Kerry Anne sa piling nina Alden at Charmaine. If she could turn back time, sana nagbasa na lang sila ng diyaryo o nanood ng mga balita baka nalaman nila noon kung ano ang totoong pagkatao ni Kerry Anne. Pero ginawa naman nila ang lahat ng makakaya nila ni Harry para malaman ang pagkatao ni Kerry Anne but they failed. Alden needs to know about this.

*****

Pagdating ni Alden sa Maynila ay dumiretso siya sa burol ni Tracy. Nadatnan niya doon ang pamilya ng babae at mga tauhan nila sa kompanya tulad ni Yumi.  He did his duty talking to Tracy's family, assuring them that justice will surely be served. Pagkatapos nun, ay nakipag-usap siya sa kapulisan na may handle ng investigation. As of now, iisa lang ang suspect. It was his former secretary, Bea dela Cruz.


Mula sa mga corroborating evidences at mga statements ng ilang mga tao ay si Bea ang itinuturong salarin. Si Yumi ay napilitang umamin na ilang beses daw sinabi ni Bea na gusto nitong patayin si Tracy. May ilang recordings itong binigay na nagpapatunay ng statements nito. Ang maid ni Tracy ay ganoon din ang sinabi. Ilang beses daw nitong nakita si Bea sa labas ng bahay ni Tracy na tila nagmamanman. Yung huli nitong nakita ay iyong sumugod si Bea sa bahay ni Tracy para awayin. Nasa pulisya na din ang CCTV footage na nagpapatunay. Maging ang ilang mga empleyado ni Alden ay umamin na ilang beses daw nakita ng mga ito ang pag-aaway nina Bea at Tracy. And the threats of Bea are always there. Nakapagbigay na rin si Alden ng statements niya tungkol sa issue. He was asked on his opinion about Tracy and Bea's relationship. He gave his most honest answer.


After his talk with the investigators, he received a call from Tita Judith. Sinabi nito na isang certain Bea dela Cruz daw ang gustong magpapatay kay Kerry Anne aka Maine. This was based on the suspect's statement. Uminit ang ulo ni Alden sa narinig. Ngayon, everything is making sense. Ang pagkamatay ni Tracy ay dahil sa kanya. Bea is obviously obsessed with him. Iyon siguro ang dahilan ng pagpatay nito kay Tracy. Nalaman din nito ang existence ni Kerry Anne kaya gusto rin nitong ipapatay ito. And the worst thing, may kinalaman din kaya ang nangyari noon? Ang aksidente, ang 'pagkamatay' ni Maine?


Bigla siyang kinabahan. He had been with his wife's killer for how many years.


Pagkatapos ng sinabi ni Tita Judith ay sinabi nitong may mahalaga itong sasabihin pag nagkita-kita sila. Nagpaalam na lang siya and uttered his gratitude.


Sakto namang pinatawag ulit siya ng mga investigators. Sinabi ng mga ito na may bagong impormasyong naforward sa mga ito mula sa Sagada. Gaya ng sinabi ni Tita Judith, ganoon din ang natanggap ng mga pulis. He was asked kung kilala niya si Kerry Anne. Sinabi niyang isa itong family friend. He does not want to expose the woman. Napilitan din siyang aminin ang nasa isip niya tungkol sa dahilan ng ginagawa ni Bea. The officers thanked him. He needs to wait for further actions para sa arrest ni Bea dela Cruz.

*****

Harry received a long distance  call from Tita Judith. It was about Kerry Anne's real self. His aunt told him everything she read from an old newspaper. Tita Judith explained to him her suspicions. That Maine and Kerry Anne are one person. Thankfully, Tita Judith did not tell Alden what she had found out. Mas mabuting siya na lang ang kumausap kay Alden. Additionally, napalagay naman ang loob niya nang sabihin ni Tita Judith na nahuli na ang nagtatangka sa buhay ni Kerry Anne.


Hanggang sa nakalulan si Harry ng eroplano ay hindi siya mapalagay sa mga nalaman. Ang una niyang aasikasuhin sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay ang makausap si Alden Richards.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon