Forever 38

911 70 5
                                    


MARAMING SALAMAT SA MGA MAGAGANDANG KOMENTO KAHIT ILANG BUWAN AKONG NAWALA. You are the best guys! Muli, MARAMING SALAMAT!



Charmaine was having a very beautiful dream. Nakita niya daw ang mommy niya. Buhay na buhay daw ito. She even felt her in her arms, held her in her embrace. And best thing happened that she longed for years, iyong kantahan siya nito ng themesong nilang pamilya bago siya matulog. Iyong 'God gave me you' ni Bryan White. It was such a wonderful dream.

Pero, ang panaginip ay nanatiling panaginip. Bigla kasi siyang nagising sa isang hindi pamilyar sa kanya na silid.

"Good morning."

Nagulat pa siya nang marinig niya ang isang pamilyar at napakabait na boses na iyon. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay mistulang nagkatotoo ang panaginip niya. It was her mother who is sitting beside the bed looking down at her with the sweetest smile she had ever seen.

"Mommy." iyon lamang ang iisang salita na namutawi sa bibig niya.

The woman's smile turned into something with understanding and sympathy. "I am sorry missy but I am not your mother. Do you remember what happened last night?"

Last night? Mabilis na nag-replay sa isipan niya kung anong nangyari kagabi. Naalala niya na pinagkamalan niya din itong ang kanyang ina kagabi. Muling nagbalik sa isip niya kung ano ang plano niya sa pagpunta doon. Ang malaman kung sino si Kerry Anne. And right n ow, she came face to face with this woman. At hindi niya masisi ang Daddy niya kung bakit ganoon na lang ang impact nito dito.

"Sorry po." She said with the sincerest apology. "Katulad na katulad niyo po kasi ang mommy ko."

Muli itong napangiti. "As I have been told sweetheart. Your father has mistaken me also for your mother. Nagtataka din ako pero sorry for saying na hindi ko kaanu-ano ang mommy mo."

Magsasalita pa sana si Charmaine nang marinig nila ang boses ng isang bata. "Mommy!"

Mula sa pintuan ay lumitaw si Menard na ang tingin ay nakatutok kay Charmaine. "Miss Charmaine!" gulat na gulat na saad ng bata at lumapit sa nanay nito.

Si Charmaine ay naupo at sumandal sa headboard ng kama at saka ngumiti. "Hello there Menard. I am so happy knowing that you still remember me."

"Siyempre po." sagot ng tuwang-tuwang bata. "Nandito rin po ba si Tito Alden?"

"Wala eh. Busy pa si Dad. And I believe na kagagaling pa naman niya dito. Sa ibang araw sigurado ako na babalik iyon." Charmaine replied and gave Kerry Anne a glance to see her reaction. Wala naman siyang napansin na kakaiba.

"Ganoon ba? Hindi ko kasi siya Nakita bago siya umalis." May konting tampo sa boses ni Menard.

"What?!" Charmaine exclaimed. "Hindi nagpaalam ang Daddy?"

"Yup. Pero tumawag din naman po siya at nakausap ko siya ng maayos."

Si Kerry Anne ay nakiaalam na sa usapan nilang dalawa ni Menard. "Actually, biglaan kasi ang pag-alis ng Daddy mo kaya hindi siya nakapagpaalam kay Menard ng maayos. A lady came here. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagmamadali nilang makaalis."

"Lady?" ani Charmaine na nadagdagan pa ang kuryusidad. "Who could be that lady?"

"Ayokong makialam Charmaine pero ang sabi lang ng Daddy mo ay Tracy daw ang pangalan."

Naningkit ang mga mata ni Charmaine sa narinig. Grabe talaga ang Tracy na iyon.

"I think we should go down and eat. Kanina pa nakaprepare ang breakfast." sabi ni Kerry Anne to dismiss the conversation.

"Ah, marami pong salamat sa pagpatuloy niyo sa akin dito." aniya na napatayo at inayos ng konti ang kanyang pinagtulugan. "But I guess, I need to join my friends for breakfast. Kailangan ko na din silang makausap."

"Ikaw ang bahala." Nakangiting sambit ni Kerry Anne.

Sumabay na siya sa mga ito pababa. Nakita na rin niya si Tita Judith sa baba at nagpakilala. Pagkatapos siyang kumustahin nito ay nagpaalam na rin siya at nagpasalamat. Nagmamadali siyang bumalik sa Verdant. May maganda siyang ikukuwento kay Maiden.

Dumiretso siya sa kanilang room sa taas pero hindi niya nakita doon ang kanyang kaibigan. Ang kuwarto nina Bradley ang sumunod niyang pinuntahan. Nadatnan niya doon si Maiden na nakaupo sa kama habang pinapanood ang dalawang lalaki na nag-iimpake ng mga gamit. Parang napakalungkot ng mg ito.

"Anong nagyayari dito?"

"Charmaine!" gulat na bulalas ng tatlo.

"What is happening here?" ulit niya.

"Nag-aayos na sila. Di ba yung sinabi ni Tito Alden kagabi?"

"Walang uuwi ngayon." ani Charmaine at lumapit kay Maiden. "Hinila niya ang kamay nito at pilit na pinatayo. "Tara sa kuwarto may sasabihin ako sa iyo."

Si Bradley ay iniwan ang ginagawa at nilapitan ang kasintahan. "Charm, I am sorry."

"Pinapatawad na kita." mabilis na sagot ni Charmaine.

Sina Bradley, Nichard, at Maiden ay parehong gulat na gulat. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa kanilang kaibigan.

"Mamaya na tayo mag-uusap Bradley. Ako na rin ang kakausap kay Daddy. Sa ngayon ay ,may gusto akong ikuwento kay Maiden. Tara sa kuwarto."

Excited na tumayo si Maiden at nagpahila kay Charmaine. Parang sira ang dalawa na excited na lumabas ng silid. Si Bradley na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari ay mabilis na sumunod sa labas. "Paano kami? Hindi ba namin dapat pakinggan ang sasabihin mo?" pasigaw na wika nito para marinig ng dalawa.

"Girl's talk!" Charmaine replied with the same intensity.

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Galit pa rin ako! Mamaya na tayo mag-usap. I love you!"

"I love you too." ganti ni Bradley bago pa makapasok sina Charmaine at Maiden sa kanilang kuwarto. Si Bradley na napapailing na lang na bumalik sa loob.

"Women." he said and threw himself on his bed.

"Welcome to the club brother!" Nichard replied na nagsimulang baklasin muli ang mga gamit na inempake.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon